Langgam

pamilya ng mga insekto From Wikipedia, the free encyclopedia

Langgam
Remove ads

Ang mga langgam o guyam[4] ay mga eusocial na insekto ng pamilyang Formicidae at, kasama ng mga magkakaugnay na putakti at bubuyog, ay nabibilang sa orden na Hymenoptera. Lumilitaw sa fossil record ang mga langgam sa iba't-ibang mga panig ng mundo nang may dibersidad na konsiderable noong pinakahuling Early Cretaceous at noong pinakamaagang Late Cretaceous, na nagpapahiwatig na maaaring may mas maaga pang pinagmulan. Nag-ebolb ang mga langgam mula sa mga ninuno na mga vespoid na putakti noong panahong Cretaceous, at mas lalong nagdiversify pagkatapos ng paglago ng mga halamang namumulaklak. Naiklasipika na ang higit pa sa 13,800 ng tinatayang kabuoan na 22,000 mga espesye. Madali silang matukoy sa kanilang mga geniculate (elbowed) na antena at ang natatanging estruktura na parang node na bumubuo sa kanilang mga baywang na baling-kinitan.

Agarang impormasyon Klasipikasyong pang-agham, Tipo ng espesye ...
Thumb
Langgam na galing sa Mt. Isarog
Thumb
Isang kolonya ng mga langgam sa mga dahon.
Thumb
isang spy na langgam
Thumb
Mga masisipag na langgam sa dapit hapon

Dulot ng asidong pormiko, na tinuturok o ini-iniksiyon ng langgam kapag nangangagat, ang hapding sanhi ng kagat ng langgam. Sa Latin, formica ang katawagan para sa langgam.[5]

Remove ads

Antas

  • Sila ay mga artropodang may anim na paa, dalawang mata at dalawang antena sa ulo.


Mga Pagkakahati ng uri sa loob Kolonya ng Langgam

Ang mga lipunan ng langgam ay mayroong paghahati ng gawain, komunikasyon sa pagitan ng mga indibidwal, at kakayahang lutasin ang mga komplikadong problema. Ang mga pagkakatulad na ito sa lipunang pantao ay matagal nang naging inspirasyon at paksa ng pag-aaral. Maraming kulturang pantao ang gumagamit ng mga langgam sa pagkain, gamot, at mga ritwal. Ang ilang uri ay pinahahalagahan dahil sa kanilang papel bilang likas na tagapuksa ng peste. Gayunpaman, ang kanilang kakayahang samantalahin ang mga yaman ay maaaring magdala ng tunggalian sa tao, dahil maaari nilang sirain ang mga pananim at pasukin ang mga gusali. Ang ilang uri, gaya ng red imported fire ant (Solenopsis invicta) mula sa Timog Amerika, ay itinuturing na mapaminsalang uri sa ibang bahagi ng mundo, kung saan sila ay nakapagpaparami matapos mailipat nang hindi sinasadya. Ang mga kolonya ng langgam ay nakaayos sa iba’t ibang kasta, bawat isa ay may espesyalisadong biyolohikal at panlipunang gampanin. Ang tatlong pangunahing kasta ay ang reyna, drones, at manggagawa.[6]

Reynang langgam

Ang reyna ang reproduktibong babae ng kolonya. Ang kanyang pangunahing tungkulin ay mangitlog, at sa maraming uri, maaari siyang mabuhay nang maraming taon o kahit dekada. Ang mga kolonya ay maaaring magkaroon ng isang reyna (monogyny) o higit pa (polygyny). Karaniwan, ang mga reyna ay hindi nanghuhuli ng pagkain o nakikilahok sa pangangalaga ng kolonya kapag ito ay naitatag na.[6][7]

Lambinong Langgam

Ang mga lambinong langgam o drones sa ingles ay ang mga lalaking langgam ng kolonya. Ang kanilang pangunahing tungkulin ay ang reproduksyon, partikular na makipag-asawa sa mga birheng reyna sa panahon ng nuptial flights o pagtatalik habang lumilipad. Pagkatapos ng pakikipagtalik, karaniwang namamatay ang mga drones makalipas ang kaunting panahon. Hindi sila nakikilahok sa mga gawain gaya ng pag-aalaga ng supling, paghahanap ng pagkain, o depensa.[6][8]

Manggagawang Langgam

Ang mga manggagawa ay mga babaeng hindi reproduktibo na gumaganap ng mga gawain na mahalaga para sa kaligtasan ng kolonya. Kabilang sa kanilang mga tungkulin ang paghahanap ng pagkain, pag-aalaga sa mga uod, paggawa ng pugad, at pagtatanggol. Sa maraming uri, ang mga manggagawa ay hinahati pa sa mga morpolohikal na subkasta gaya ng maliit na manggagawa at malalaking manggagawa (o sundalo) na may kanya-kanyang tungkulin.[6][9][10]

Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads