Ang Dating Daan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Ang Dating Daan ay isang palatuntunang pangradyo at telebisyon na nagtatampok ng pagtalakay at pagsusuri ng mga usaping panrelihiyon Kristiyano. Kilalang host nito si Eliseo Soriano, ang Presiding Minister ng grupong Members Church of God International at host ng iba ang katulad na palatuntunan tulad ng Itanong Mo kay Soriano, Truth in Focus, Biblically Speaking, at Bible Guide.
Sinimulan ang palatuntunan noong taong 1980 sa estasyong pangradyo na DWWA at noong 1983 sa telebisyon sa IBC-13. Napatigil ito sa ere ng telebisyon subalit muling nagbalik noong mga huling yugto ng 1980. Ipinatigil din ito ng MTRCB dahil sa reklamo ng Iglesia ni Cristo ukol sa pagsabi ni Eliseo Soriano na ang kanilang samahan ay Iglesia ni Manalo. Subalit sa pagpasok ng dekada 1990, ito ay napanood sa mga himpilang IBC-13, ABS-CBN, TV5, (isang espesyal na kabanata lamang), RPN-9, SBN-21, RJTV-29, PTV-4 at sa kasalukyan sa UNTV-37.
Remove ads
Ibang Serye
- Ang Dating Daan:By Demand
- Isang spin-off na serye ng orihinal na Ang Dating Daan. Dito, tanungan din ang sistema gaya ng sa Itanong Mo kay Soriano pero sa mga mataas na opisyal ng Members Church of God International dumadaan ang tanong. Minsan may talakayan din ukol sa mga nasasapanahon na balita tungkol sa kanilang Iglesia.
- Ang Dating Daan:Special Report
- Dito sinasabi ng ministro ng Members Church of God International na si Bro. Danny Navales ang mga bagong balita tungkol sa mga special events na ginaganap ng Iglesia.
Remove ads
Gantimpala
Noong 2007, nakuha ng pooksapot ng Ang Dating Daan Naka-arkibo 2010-07-24 sa Wayback Machine. ang "Pinakatanyag na Sayt noong 2007" ("Most Popular Website of 2007") na dineklara nang ikalawang linggo ng Nobyembre 2007. Ang gantimpala ay ibinigay ng Philippine Web Awards.
Tignan Din
Mga panlabas na kawing
- Bible Exposition Online Naka-arkibo 2010-07-24 sa Wayback Machine.
- Media Streaming Site
- Christian Community Online Naka-arkibo 2010-05-04 sa Wayback Machine.
- UNTV-37 - Kasangbahay Mo!
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads