Anggulo

From Wikipedia, the free encyclopedia

Anggulo
Remove ads

Sa heometriya, ang isang anggulo ay nabubuo sa pamamagitan ng dalawang ray o piraso ng linya, tinatawag na mga gilid ng anggulo, na may kaparehong dulo, tinatawag na vertex o taluktok ng anggulo.[1][2] Kung gaano kalaki ang sulok ng pinagsalubungan ng mga linya, ganoon na rin ang sukat ng anggulo. Ang salitang "anggulo" ay hango sa Latin na angulus o "sulok".

Thumb
Pagsukat ng anggulo

Sukat ng anggulo

Ang dalawang karaniwang sukat o unidad ng anggulo ay grado (deg) at radyan (rad).[3]

  • Ang isang grado o grado seksadyesimal ay katumbas ng 1/360° ng isang rotasyon. Ang isang buong rotasyon o bilog ay may sukat na 360°. Karagdagan, ang iba pang sukat sa sistema na seksadyesimal ay ang arkominuto at arkosegundo, na makikita rin sa pagbasa ng oras.
Karagdagang impormasyon unidad, halaga ...
  • Ang radyan ay ang anggulo na maisasalarawang bilang parte ng kabuuan ng isang bilog. Para masukat ang isang anggulo, θ, maaring gumuhit ng isang arko na sentro ang sulok. Ang haba nitong arko, s, ay inihahayag bilang proporsyon ng radio.

Ang isang buong ikot ay may radyan na sukat na 2Π.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads