Anyong lupa

mga wangis at hugis na namamasdan sa kalupaan From Wikipedia, the free encyclopedia

Anyong lupa
Remove ads

Sa agham pangmundo at heolohiya, ang anyong lupa o pisikal na katangian ay binubuo ng isang heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon sa tanawin, bilang bahagi ng kalupaan, at dahil sa katangiang iyon, kinakatawan ang isang elemento ng topograpiya. Kabilang din sa anyong lupa ang tanawing dagat at katangian ng mga bahagi ng tubig sa karagatan katulad ng look, tangway, dagat at iba pa, kabilang ang mga kalupaang nasa tubig, katulad ng bulubundukin at bulkang nakalubog, at malalaking palanggana ng karagatan na nasa ilalim ng manipis na tubig, para sa buong daigdig lalawigan at dominyo ito ng heolohiya.

Thumb
Ang Chocolate Hills
Remove ads

Mga uri ng anyong lupa

Thumb
Ang perpektong hugis-apa ng Bulkang Mayon
Thumb
Bundok Makiling

Ilan sa mga anyong lupa ang mga sumusunod:

  • Kapatagan — isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maari itong taniman ng mga palay, mais, at gulay. Isang halimbawa nito ay ang kapatagan ng gitnang Luzon.
  • Bundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol. Ang halimbawa nito ay ang Bundok Banahaw.
  • Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaring lumabas mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na bulkan, kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay ang masigla na bulkan, na maaring sumabog anumang oras; mapanganib ang ganitong bulkan. Maari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo.
  • Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
  • Lambak — isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga pananim tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay, ang maaring itanim dito.
  • Talampas — patag na anyong lupa. Ang kaibahan nito sa lambak ay nakalatag ito sa isang mataas na lugar.
  • Baybayin — bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.
  • Bulubundukin — matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
  • Pulo — mga lupain na napalilibutan ng tubig.
  • Yungib — mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaring pasukin ng tao at hayop.
  • Tangway — pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig. Ang isang halimbawa ng tangway ay ang Tangway ng Zamboanga.
  • Tangos — mas maliit sa tangway.
  • Disyerto — mainit na anyong lupa.
  • Kapuluan — mga pangkat ng malalaki at maliliit na pulo na napapaligiran ng katubigan.
Thumb
Mga pulo sa El Nido, Palawan

HeograpiyaKalikasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Kalikasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Remove ads
Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads