Bagong Inglatera

From Wikipedia, the free encyclopedia

Bagong Inglatera
Remove ads

Ang Bagong Inglatera (Ingles: New England) ay isang rehiyong pangheograpiya sa hilaga-silangang Estados Unidos. Binubuo ito ng anim na mga estado sa bahaging iyon ng bansa: Connecticut, Maine, Massachusetts, New Hampshire, Rhode Island, at Vermont.[1][2][3][4][5][6] Hinahangganan ito ng estado ng New York sa kanluran at timog, at mga lalawigan ng New Brunswick at Quebec ng Canada sa bandang hilagang-silangan at hilaga. Ang Karagatang Atlantiko ay nasa silangan at timog-silangan nito, habang nasa katimugan naman ang Long Island Sound. Tinataya na may 14,727,584 katao ang rehiyon noong 2015.[7] Ang Boston ay ang pinakamalaking lungsod nito.

Thumb
Kinaroroonan ng Bagong Inglatera sa Estados Unidos
Thumb
Taglagas sa Vermont

Pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa rehiyon sa mga unang taon nito.

Remove ads

Heograpiya

Thumb
Isang bahagi ng Lambak ng Pioneer sa Sunderland, Massachusetts.

Ang mga estado ng New England ay may pinagsamang lawak na 71,991.8 milya kuwadrado (186,458 km2), mas-malaki nang bahagya sa estado ng Washington at mas-malaki sa Inglatera.[8][9] Ang mismong Maine ay bumubuo sa halos kalahati ng kabuuang lawak ng New England, subalit ito ang pantatlumpu't-siyam (39th) na pinakamalaking estado, mas-maliit nang bahagya sa Indiana. Ang mga ibang estado ay kabilang sa mga pinakamaliit na estado sa Estados Unidos, kasama na ang Rhode Island na pinakamaliit na estado sa bansa.

Mga kabisera ng estado

Remove ads

Mga pinakamalaking lungsod

Ayon sa mga pagtataya ng Census Bureau noong 2014, ang mga pinakamalaking lungsod ng New England ay:[10][11]

Karagdagang impormasyon Ranggo(batay sa city proper), Imahe ...

Noong ika-20 dantaon, ang paglawak ng urbano sa mga rehiyon na lumilibot ng Lungsod ng New York ay naging mahalagang impluwensiya ng ekonomiya sa kalapit na Connecticut, kung saan kabilang ang mga bahagi nito sa New York Metropolitan Area. Ibinukod ng U.S. Census Bureau ang mga kondado ng Fairfield, New Haven at Litchfield sa kanlurang Connecticut kasama ang Lungsod ng New York, at mga ibang bahagi ng New York at New Jersey bilang isang combined statistical area.[12]

Remove ads

Tingnan din

  • Mga rehiyon ng Estados Unidos
  • Rehiyon

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads