Baha

labis na pag-apaw ng tubig na lumulubog sa lupaing karaniwang tuyo From Wikipedia, the free encyclopedia

Baha
Remove ads

Ang baha ay labis na pag-apaw ng tubig (o paminsan-minsan ng ibang likido) na lumulubog sa lupaing karaniwang tuyo.[1] Sa diwa ng "umaagos na tubig", maaaring ilapat ang salita sa pag-agos ng tubig-dagat tuwing pagtaas ng alon. Ang mga baha ay pangunahing pinoproblema sa larangan ng agrikultura, inhenyeriyang sibil, at pampublikong kalusugan. Ang mga pagbabago ng tao sa kapaligiran ay kadalasang nagpapataas sa tindi at dalas ng pagbaha. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbabago sa paggamit ng lupa gaya ng pagkalbo ng kagubatan at pagsasailalim ng mga latian, at mga pagbabago sa daloy ng tubig o mga kontrol sa baha tulad ng pagtatayo ng mga puying. May impluwensiya rin ang mga pandaigdigang suliranin sa kalikasan sa mga sanhi ng pagbaha, lalo na ang pagbabago ng klima na nagpapaintindi sa ikot ng tubig at nagpapataas ng lebel ng dagat.[2]:1517 Halimbawa, pinapadalas at pinapalala ng pagbabago ng klima ang mga matitinding kaganapan sa panahon.[3] Humahantong ito sa mas matitinding pagbaha at mas mataas na panganib ng pagbabaha.[4]

Thumb
Baha sa Alicante (Espanya), 1997.
Thumb
Baha sa bayan ng Gandara, Samar, 2018.

Maaaring makapinsala sa ari-arian ang pagbaha at magdulot din ng mga pangalawang epekto. Kabilang sa mga ito sa maikling panahon ang pagtaas ng pagkalat ng mga sakit na dala ng tubig at ng mga bektor, gaya ng mga sakit na ikinakalat ng lamok. Maaari rin itong humantong sa pangmatagalang paglilipat ng mga residente.[5] Ang pagbaha ay isa sa mga pinag-aaralang paksa sa larangan ng hidrolohiya at inhenyeriyang hidrauliko.

Malaking bahagi ng populasyon ng mundo ang nakatira malapit sa mga pangunahing baybayin,[6] habang maraming malalaking lungsod at lugar na pansakahan ay nasa tabi ng mga ilug-ilugan.[7] Malaki ang panganib ng pagtaas ng pagbaha sa mga baybaying-dagat at ilug-ilugan dulot ng nagbabagong mga kondisyon ng klima.[8]

Tinatalakay Ang Baha, ang dakilang Unibersal na Delubyo ng mitolohiya o marahil ng kasaysayan, sa Delubyo sa mitolohiya o ang Malaking Baha noong panahon ni Noe.[9]

Remove ads

Mga sanggunian

Kawil panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads