Baleleng
katutubong awit From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Baleleng ay isa sa tanyag na awitin ng katutubong Pilipino na Sama Dilaut at / o Tausug ang pinagmulan[1][2] na naipasa sa mga sumunod na henerasyon. Ang kompositor o manunulat ng awit ay hindi nabigyan ng kredito at hindi nakilala.[3] Ang tono nito ay naisalin-salin sa mga bibig at naipasa sa iba't ibang lalawigan at ang orihinal na titik ng awit ay nabago. Ang mga bersyon ng mga lokal na mang-aawit na Pilipino ay pinasikat ang awitin sa wikang Bisaya man o Tagalog.[4]
Leleng ang tunay na pamagat ng awit[5] na nangangahulugang aking mahal sa wikang Sama Dilaut.[6] Sa mga wikang Pilipino tulad ng Bisaya at Tagalog, ang enclitic na "ba" ay ginagamit bilang isang tanda ng tanong.[7] Halimbawa: (Tagalog) Aalis ka na ba ? Dahil ang awit ay naisalin mula sa iba pang wika, ang titik nito ay mali ang naging kahulugan at naging Baleleng.[1]
Ang kwento ng awit ay tungkol sa isang lalaki na nagpaalam sa isang babae na tinatawag na Leleng habang siya ay makikipagdigmaan. Tulad ng iba pang mga awitin ng Sama Dilaut, inaawit ito kasama ang saliw ng isang instrumentong bagting (string instrument) tulad ng gitgit at biula, gabbang at ang kunlintang.[8][9]
Remove ads
Sa tanyag na kultura
Ang katutubong awit ay ginamit bilang isang pangwakas na tema sa isang drama sa telebisyon ng Pilipinas na si Sahaya na naisa-himpapawid sa pamamagitan ng GMA Network na pinagbidahan ni Bianca Umali bilang unang kagampanan , isang Badjao mula sa Zamboanga[10] na sa kabila ng kanyang mga pakikibaka sa buhay ay nanatiling tapat sa kanyang pagkakakilanlan.
Sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads