Wikang Tausug

wikang sinasalita ng mga Tausug From Wikipedia, the free encyclopedia

Wikang Tausug
Remove ads

Ang Wikang Tausug ([taʔu'sug]; Tausug: Bahasa Sūg; Malay: Bahasa Suluk; Espanyol: idioma joloano/suluano) ay isang wikang Bisaya na sinasalita sa lalawigan ng Sulu sa Pilipinas. Sinasalita rin ito sa silangang bahagi ng Sabah, Malaysia ng mga Tausug.

Agarang impormasyon Tausug, Katutubo sa ...

Malawakang sinasalita ito sa Kapuluang Sulu (Tawi-Tawi), Tangway ng Zamboanga (Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, at Lungsod ng Zamboanga), Timog Palawan at Malaysia (silangang Sabah). Ang Tausug at Chavacano ang dalawang tanging wikang Pilipino na sinasalita sa isla ng Borneo.

Malapit na kamag-anak ang wikang Tausug sa wikang Surigaonon ng mga lalawigan ng Surigao del Norte, Surigao del Sur at Agusan del Sur, at ang wikang Butuanon ng hilagang-silangang Mindanao.

Remove ads

Etimolohiya

Ang pangalan ng wika sa Tausug ay bahasa Sūg ("ang wika ng Sulu"). Tausug (Tausug: tau Sūg, "ang mga tao ng Sulu") ay nagmula sa dalawang salita: tao ("tao") at sūg ("agos"), marahil tumutukoy sa kanilang kabuhayan na nakadepende sa mga malakas na agos ng Dagat Sulu, kung saan nagsilayag sila dati bilang mangingisda, maninisid ng perlas, at mangangalakal.

Kahit ngayon, ang Dagat Sulu ay estratehikong ruta ng kalakalan ng timog Pilipinas at ang mga malalapit na bansang ASEAN. Kasing-aga ng ika-10 siglo, pinaniniwalaan na lumalago ang ruta ng kalakalan sa pagitan ng Sulu, Tsina, at Hilagang Borneo. Kilala ang mga tao roon bilang mga "tao ng agos", ang liternal na salinwika ng "Tausūg".

Remove ads

Sulat

Sinasabi na dating isinulat ang wikang Tausug gamit ang isang sulat na magkaugnay sa Baybayin na tinatawag na "Luntarsug."[2] Mukhang kinumpirma itong pananaw ng dating Sultan ng Sulu sa pamamagitan ng pisikal na ebidensya. Dating ipinanulat ng wikang Tausug ang alpabetong Arabe. Nabigyang-inspirasyon ang paggamit ng sulat ng paggamit ng Jawi sa pagsulat ng wikang Malay.

Isang halimbawa ng alpabetong Arabe sa pagsulat ng wikang Tausug:

  • Sulat-LatinWayruun tuhan malaingkan Allāh, hi Muhammad ing rasūl sin Allāh
  • Sulat-Arabeوَيْـرُٷنْ تُـهَـنْ مَـلَـيِـڠْـكَـن هَالله، هِـمُـحَـمَّـدْ ئِـڠ رَسُـولْ سِـڠ الله
  • English translationWalang diyos kundi si Allah, at si Muhammad ang mensahero ni Allah.

Naiiba ang sulat-Arabe na ipinanunulat ng wikang Tausug sa iilang aspeto sa sulat na ipinanunulat ng wikang Arabe at sa sulat-Jawi na ipinanunulat sa mga wikang Malay. Isa sa mga pangunahing pagkakaiba nito ay kung paano isinusulat ang mga paunang patinig ng salita.

Sa Arabe, ang /in/ ay (إن); sa Jawi (Malay), ito ay (ان). Sa Tausug, ito ay (ئِن). Ginagamit ng sulat-Tausug Arabe ang letrang yā' na may hamza (ئ) para kumatawan sa maikling patinig. Kung may idinagdag na kasra (ئِ), nagiging 'i' ang tunog nito. Kung may idinagdag na fatha (ئَ), nagiging 'a' ang tunog nito. Kung may idinagdag na damma (ئُ), nagiging 'u' ang tunog nito.

Latin

Karagdagang impormasyon Titik, A ...

Arabe

Karagdagang impormasyon Karakter, Nakahiwalay ...
Remove ads

Mga halimbawa

Karagdagang impormasyon Tagalog, Tausug Sulat-Latin ...

Salitang hiram

May maraming salitang Tausug na nagmula sa wikang Arabe.

Kabilang sa mga halimbawa ng salitang Arabe sa Tausug ang:

Karagdagang impormasyon Salitang Tausug, Kahulugan (Tausug) ...

Mga salitang Tausug mula sa Sanskrito:

Karagdagang impormasyon Salitang Tausug, Kahulugan (Tausug) ...
Remove ads

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads