Batibot
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Batibot ay isang palabas na pambata sa telebisyon mula sa Pilipinas, na batay sa Sesame Street. Nagsimula noong 14 Mayo 1984, na may pangalang Sesame!, na sa kalaunan naging Batibot makaraan ang ilang mga taon. Sa wikang Filipino, nangangahulugan ang Batibot na "maliit, subalit malakas at masigla". Bilang Sesame!, kapwa ginamit ng programa ang mga wikang Ingles at Filipino bilang midya ng komunikasyon, subalit makalipas maging Batibot, naging palabas na pang-eduksayong pambata na nasa wikang Filipino lamang ang palabas.
Inilunsad ito ng Sesame Workshop (Children's Television Workshop) at Philippine Children's Television Foundation, Inc. (PCTVF). Pinutol ng CTW ang relasyon nito sa PCTVF noong 1989.
Remove ads
Sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads