Baycomms Broadcasting Corporation
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Baycomms Broadcasting Corporation (BBC) ay isang kumpanyang pagsasahimpapawid. Dating itong nagpatakbo ng mga himpilan bilang Bay Radio. Kasalukuyan ito sangay ng Brigada Mass Media Corporation, kung saan nagsisilbi ito bilang tagahawak ng lisensya ng karamihan ng mga himpilan ng Brigada News FM.[1][2][3][4]
Remove ads
Kasaysayan
Itinatag ang Baycomms Broadcasting Corporation noong 1992 ni Ernesto Yabut, sa pamamagitan ng mga himpilan nito sa Olongapo at Lungsod ng Zamboanga.
Sa huling bahagi ng 2000s, ilan sa mga istasyon ng Bay Radio ay ibinenta sa ibang mga kumpanya o nagpatuloy sa mga pagbawas sa operasyon. Kabilang sa mga iyon ang DXRK sa Cagayan de Oro, na naibenta sa Hypersonic Broadcasting Center noong 2011 at naging Magnum Radio 99.9, at DXYM sa Heneral Santos, na naging nucleus ng Brigada News FM noong 2009.
Noong Pebrero 2013, binili ng Brigada Mass Media Corporation ang Baycomms mula kay Ernesto Yabut. Hindi nagtagal at naging bahagi ang mga himpilan niyan ng Brigada News FM.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads