DXMR-FM
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang DXMR (99.9 FM), sumasahimpapawid bilang 99.9 Magnum Radyo, ay isang istasyon ng radyo na pagmamay-ari ng Hypersonic Broadcasting Center at pinamamahalaan ng Radyo De Oro Corporation. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Magnum Broadcast Center, 2nd floor, SBS Bldg., CM Recto Ave., at ang transmiter ay matatagpuan sa kahabaan ng Osmeña St., Cagayan de Oro.[1][2]
Remove ads
Kasaysayan
Itinatag ang himpilang ito noong Disyembre 26, 1979 bilang 99.9 RK na may top 40 na format. Sa ilalim ng call letters na DXRK, umere ito ng Top 40 na format. Dati ito pagmamay-ari ng PN Roa Broadcasting System ni Pedro "Oloy" N. Roa. Noong Disyembre 31, 2002, namaalam ang 99.9 RK sa ere.[3][4]
Noong Enero 27, 2003, binili ng Baycomms Broadcasting Corporation ang himpilang ito at nagpalit ito ng call letters sa DXBD. Noong Pebrero 24, 2003, muli ito inilunsad bilang 99.9 Bay Radio na may pang-masa na format. Noong panahong iyon, nasa JR Borja St. ang tahanan nito. Noong 2008, banalik ang dati nitong call letters na DXRK. Noong Disyembre 25, 2010, namaalam ang Bay Radio sa ere.
Kalaunan, binili ng Hypersonic Broadcasting Center ang talapihitang ito. Noong Pebrero 28, 2011, muli ito inilunsad bilang Magnum Radyo na may halong balita, pampublikong gawain at musika sa format nito. Naglapit din ito na call letters sa DXMR.[5][6][7]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads