Maynila, sa mga Kuko ng Liwanag
pelikula noong 1975 ni Lino Brocka From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Maynila, sa mga Kuko ng Liwanag ay isang pelikulang Pilipino noong 1975 ni Lino Brocka na may paksang drama na batay sa nobela ni Edgardo M. Reyes na Sa mga Kuko ng Liwanag. Pinagbibidahan ito ni Rafael Roco, Jr. at Hilda Koronel at kinikilala na isa sa pinakamahusay, kung hindi man pinakamahusay na pelikulang Pilipino.[1] Nagwagi ito ng syam na parangal sa FAMAS Awards noong 1976, kabilang ang parangal sa Pinakamahusay na Pelikula, Pinakamahusay na Direktor para kay Brocka, at Pinakamahusay na Aktor para sa baguhang aktor na si Roco.[2][3]
Tinanghal ang nirestore na bersiyon nito bilang isa sa mga Classics sa Cannes Film Festival noong 2013.[4][5] Kinilala ng pinagpipitagang direktor at tagapangulo ng World Cinema Foundation, na si Martin Scorsese, ang “lugar ng Maynila sa pandaigdigang pelikula”, kasabay ng pagpuri sa kapwa niya direktor na si Brocka at cinematographer nito na si Mike de Leon.[1] Pumang tatlumpu[6][7] ang Maynila, Sa Mga Kuko ng Liwanag sa Asian Cinema 100 o talaan ng 100 pinakamahusay na pelikulang Asyano na inilabas noong Oktubre 2015, kasabay ng ika-20 taon ng Busan International Film Festival.[8][9]
Remove ads
Mga tauhan
- Rafael Roco, Jr. bilang Julio Madiaga - Ang 21 taong gulang na bida mula sa Marinduque, na naggagala sa Maynila upang hanapin ang kanyang iniibig na si Ligaya. Sinimulan nya ang salaysay bilang isang mahinahon at muslak[a] na lalaki; subalit sa huli ay unti-unting magbabago patungo sa isang nanlulumo at mapaghiganting tao.
- Hilda Koronel bilang Ligaya Paraiso - Ang ikakasal kay Julio. Dinala sya sa Maynila sa pagnanasang makakakuha sya ng mabuting pag-aaral, subalit humantong lamang sa pagiging aliping sekswal.
- Lou Salvador, Jr. bilang Atong - Isang manggagawa ng gusali na kinaibigan ni Julio. Nagsilbi si Atong na gabay ni Julio sa mga gawain ng mga nagtatrabahong tao ng Maynila at ng lungsod narin. Natulungan nya si Julio na lagpasan ang karimlan ng lungsod. Pagkatapos ay mali syang nahuli at ikinulong, at namatay sa kamay ng kanyang mga kakosa.
- Tommy Abuel bilang Pol - Ang kaibigan ni Julio na nagsisilbi rin bilang kanyang katiwala. Nagsilbi syang gabay ni Julio sa mga maralitang pook ng Maynila. Matatag at matapat si Pol, at palagi syang nagbibigay ng tulong at pangaral kay Julio tuwing kailangan.
- Jojo Abella bilang Bobby - Isang tagatawag na kinaibigan ni Julio. Nagsilbi sya bilang gabay ni Julio sa mundo ng pagbebenta ng katawan ng mga lalaki. Napakita na sya ay may pagkaakit kay Julio.
- Joonee Gamboa bilang Omeng - Isa pang katrabaho ni Julio sa construction site.
- Pancho Pelagio bilang Gn. Balajadia - Isang kontrabida sa salaysay. Siya ang tagapangasiwa ng contruction site na pinagtatrabahuhan ni Julio. Siya ay hambog at makasarili, at palaging tinatrato ang kanyang mga pinapangasiwaan nang di mabuti.
- Juling Bagabaldo bilang Gng. Cruz - Isang kontrabida sa salaysay. Isang di kaaya-ayang tauhan na kumukuha ng walang muwang na babaeng tagalalawigan sa kanyang prostitusyon. May kutob si Julio na hindi naman talaga "Gng. Cruz" ang kanyang tunay na pangalan, at isa lamang na alyas.
- Tommy Yap bilang Ah-Tek - Isang kontrabida sa salaysay. Isang walang konsensyang mestizo de sangley na binili si Ligaya mula sa prostitusyon ni Gng. Cruz at ginawa syang ang kanyang aliping babae.
Remove ads
Mga pananda
- walang muwang
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads