Bibcode
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang bibcode (tinatawag din bilang refcode) ay isang pinag-isang tagapagkilala (o identifier) na ginagamit sa ilang mga sistemang datos pang-astronomiya upang matukoy na walang katulad ang mga sangguniang pampanitikan.
Remove ads
Adopsyon
Orihinal na ginawa ang Bibliographic Reference Code (refcode) upang gamitin sa SIMBA at sa NASA/IPAC Extragalactic Database (NED), subalit naging de facto na pamantayan ito at malawak na itong ginagamit sa ngayon, halimbawa, sa NASA Astrophysics Data System, na naglikha nito at mas ginusto ang katawagang "bibcode".[1][2]
Pormat
Aabot lamang ang kodigo sa 19 na karakter at may anyong
YYYYJJJJJVVVVMPPPPA
kung saan ang YYYY
ay ang apat na numero ng taon ng sanggunian at ang JJJJJ
ay ang kodigo na ipinapahiwatig kung saan nilathala ang sanggunian. Sa kaso ng isang sanggunang aklat-talaan (o journal), numero ng bolyum ang VVVV
, ipinapahiwatig ng M
ang seksyon ng aklat-talaan kung saan nilathala ang sanggunian (e.g., L
para sa seksyon ng mga liham), nagbibigay ang PPPP
ng panimulang numero ng pahina, at ang A
ang unang titik ng apelyido ng unang may-akda. Ginagamit ang mga tuldok (.
) upang punan ang hindi na nagamit na karakter at para umabot ito sa takdang haba nito kung napaikli nito; ginagawa ang pagpunan sa kanan para sa kodigo ng paglalathala at sa kaliwa para sa numero ng bolyum at numero ng pahina.[1][2] Pinagpapatuloy ang mga numero ng pahina na higit sa 9999 sa hanay na M
. Trinatrato ang mga numerong artikulong ID na may anim na numero (kapalit ng mga numero ng pahina) na ginagamit ng mga publikasyong Physical Review simula noong dekada 1990 bilang: Ang unang dalawang numero ng artikulong ID, katumbas ng numero ng isyu, ay pinapalitan ng isang maliit na titik (01 = a, atbp.) at pinapasok sa hanay M
. Ginagamit ang natitirang apat na numero sa karakter para sa pahina.[2]
Remove ads
Mga halimbawa
Ilang halimbawa ng mga bibcode:
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads