Bilis ng liwanag

From Wikipedia, the free encyclopedia

Bilis ng liwanag
Remove ads

Ang bilis ng liwanag o ilaw (Ingles: speed of light) sa isang bakyum na may simbolong c ay isang pisikal na konstante na mahalaga sa maraming aspeto ng pisika. Ang halaga nito ay 299,792,458 metro bawat segundo na isang pigura na eksakto dahil ang haba ng isang metro ay inilalarawan ng konstanteng ito at ng internasiyonal na batayan para sa oras.[1] Ang bilis na ito ay matatantiyang 186,282 milya bawat segundo. Ayon sa Espesyal na teoriya ng relatibidad, ang bilis ng liwanag(c) ang pinakamataas na bilis kung saan ang lahat ng enerhiya, materya, at iba bang pisikal na impormasyon sa uniberso ay maaaring maglakbay. Eto ang bilis ng lahat ng walang masang mga partikulo(massless particle) at mga kaugnay na field kabilang na ang radiasyong elektromagnetiko gaya ng liwanag(light) sa bakyum. Ito rin ang hinulaang bilis ng grabidad o mga along grabitasyonal. Ang mga gayong partikulo ay naglalakbay sa c kahit hindi isaalang alang ang galaw ng pinamulan(source o ang inersiyal na balangkas ng reperensiya(intertial frame of reference) ng isang nagmamasid. Sa Espesyal na teoriya ng relatibidad, ang c ang naguugnay ng espasyo-oras at ito ay makikita sa kilalang ekwasyon ng E = mc2.[2]

Agarang impormasyon Exact values, Metres per second ...
Remove ads

Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads