Bruselas
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Bruselas (Ingles: Brussels; Olandes: Brussel; Kastila: Bruselas; Pranses: Bruxelles)[1] ay ang kabisera ng Belhika, ng Flanders (binubuo ng parehong Pamayanan ng mga Flamenco at ng Rehiyong Flamenco) at ng Pamayanang Pranses sa Belhika, at ang himpilan ng institusyong Unyong Europeo.
Ang Brussels ay ang kabiserang lungsod, sa gitna ng Belhika, at ang pinakamalaking munisipalidad sa Rehiyong Kabiserang Brussels. Ang munisipalidad na ito na nasa loob ng Brussels ay ang wastong pinangalanan na Lungsod ng Brussels (Pranses Bruxelles-ville o Ville due Bruxelles, Olandes:Stad Brusssel) na isa sa 19 na munisipalidad na bumubuo sa Rehiyong Kabiserang Brussels, na may kabuuang populasyong 1,018,804 (1 Enero 2006), at ang munisipalidad ay mayroong 140,000. Ang kalakhang lugar ay may 2,090,000 naninirahan.
Ito rin ang himpilan pampolitika ng NATO, ng Unyong Kanlurang Europeo (WEU) at ng EUROCONTROL.
Remove ads
Pinagmulan ng Pangalan
Ang pangalang Brussels ay galing sa Matandang Olandes na salitang Bruocsella, Brucsella o Broekzele, na ibig sabihin ay "damuhan (bruc o broek) tahanan (sella or zele)" o "tahanang naglalaman ng isang silid, sa damuhan".
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads