Capas

bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Tarlac From Wikipedia, the free encyclopedia

Capasmap
Remove ads

Ang Capas ay isang unang uring bayan sa lalawigan ng Tarlac, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 162,724 sa may 37,160 na kabahayan.

Agarang impormasyon Capas Bayan ng Capas, Bansa ...

Nandito ang Pambansang Dambanana ng Capas (Capas National Shrine) na tinayo at pinapanatili ng pamahalaan ng Pilipinas bilang isang alaala sa mga Pilipino at Amerikanong sundalo na namatay sa Kampo ng O'Donnell noong matapos ang Martsa ng Kamatayan sa Bataan. Mahalagang pook ito na may kaugnayan sa Araw ng Kagitingan sa Pilipinas, tuwing Abril 9, ang anibersaryo ng pagsuko ng mga pinagsamang lakas ng Pilipinas at Estados Unidos sa mga Hapon noong 1942.

Dalawa ang sinasabing pinagmulan nang pangalan nang bayan, ang una ay mula sa gulay na Capas-Capas at ang pangalawa'y sinasabing nangaling sa unang tatlong titik nang mga apilyidong Capitulo, Capunfuerza Dito matatagpuan ang Bundok Telakawa o Tela Susong Dalaga ayon sa Matatanda, Dito rin ang Bundok Bueno kung saan matatagpuan ang Mapaling Danum isang bukal sa tabi nang bundok, ang Bundok Mor-Asia at Bundok Canouman na siyang pinagbabahayan nang mga Enkanto ayon sa mga nakakatanda at mga nakapunta ruon upang manguha nang Bulo / Tuwid na kawayan na panggawa nang kubo. Dito rin dumaraan ang Ilog O'donnel at ang Paunang tubig nang Ilog Lungcob, dito rin ang Sapang Dingding at Namria.

Ang barangay Santa Juliana ang routa na pinipili nang karamihan patungong Bundok Pinatubo. Ang kapistahan ni San Nicolas De Tolentino ay nagaganap tuwing ika sampu nang setyembre Taon-taon, ang kasalukuyang Cura nang bayan ay si Msgr. Fransico Y. Tanedo. Ang kasalukuyang alkalde nang bayan ay si Mayor Reynaldo Lopez Catacutan.


Remove ads

Mga barangay

Nahahati ang Capas sa 20 mga barangay.

  • Aranguren
  • Bueno
  • Cristo Rey
  • Cubcub (Pob.)
  • Cutcut 1st
  • Cutcut 2nd
  • Dolores
  • Estrada (Calingcuan)
  • Lawy
  • Manga
  • Manlapig
  • Maruglu
  • O'Donnell
  • Santa Juliana
  • Santa Lucia
  • Santa Rita
  • Sto. Domingo 1st
  • Sto. Domingo 2nd
  • Santo Rosario
  • Talaga

Demograpiko

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...

Mga sanggunian

Mga Kawing Panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads