Gales

From Wikipedia, the free encyclopedia

Gales
Remove ads

Ang Gales o Wales ay isang kaharian ng United Kingdom o Nagkakaisang Kaharian ng Gran Britanya at Hilagang Irlanda.

Agarang impormasyon Cymru, Kabisera at pinakamalaking lungsod ...
Remove ads

Ang lupain

Thumb
First Minister of Senedd Cymru (Welsh pariament)

Isang peninsula ang lupaing kinalalagyan ng Gales na nasa gawing kanluran ng Britanya. Kinapapalooban ito ng mga bundok ng Cambrian, mga lambak, at ibang mga bulubunduking lupain. Makikita sa katimugan ng peninsula ang bundok ng Snowdon, na may taas na 3,560 piye. Nasa Wales din ang isang malaking laguna, ang Bala.[1]

Nasa Gales din ang bayan na may pinakamahabang pangalan: ang Llanfairpwllgwyngyllgogerychwyrndrobwllllandysiliogogogoch, na ang ibig sabihin ay "Simbahan ni Santa Maria sa loob ng hungkag na puting kastanyo, malapit sa isang mabilis na umaalimpuyong tubig, at simbahan ni Santo Tysilio ng mapulang kuweba".[1]

Remove ads

Mga pangunahing ani

Likas na mayaman sa uling ang Gales, at napagkukunan din ng tanso, oksido de sik, nikel, at apog.[1]

Mga mamamayan

Tinatawag na mga Welsh ang mga mamamayan ng Gales. Nagsimula sila sa tribung Celtic na nanggaling sa kanlurang Britanya. Nahaluan din ang mga Welsh ng mga lahing Norman at Ingles.[1]

Wika, sining at panitikan

May sariling wika ang mga Welsh. Nagmula ang kanilang wika mula sa lengguwaheng Gaeliko, ang wika ng mga Kelt. Isang wikang walang titik na J, K, V, X at Z ang alpabeto ng mga Welsh. Kabilang sa panitikan ng mga Welsh ang kuwentong-bayan ni Haring Arturo at mga Kabalyero ng Bilog na Mesa. Sa matandang literatura, itinuturing na mahalaga ang tulang Gododdin at mga kalipunan ng mga alamat, ang Mabinogion. Tinuturing ding mahalaga ang mga makatang sina Dafydd ap Gwilym at Dylan Thomas.[1]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads