Kuliglig (Cicadidae)

From Wikipedia, the free encyclopedia

Kuliglig (Cicadidae)
Remove ads

Ang kuliglig (Ingles: cicada) ay isang kulisap ng orden ng Hemiptera, suborden Auchenorrhyncha, na nasa superpamilya Cicadoidea. Ang kulisap na ito ay may mga malalaki at hiwalay na mata sa ulo at may mga naaninag at ma-ugat na mga pakpak. Mayroong 2,500 na uri ng kuliglig sa buong mundo at marami pa ang hindi pa nauuri. Nabubuhay ang mga kuliglig sa mga temperate at tropikal na mga klima at isa sa mga kilalang mga kulisap dahil sa kanilang laki at kanilang talento sa pagiingay. Ang mga kuliglig ay minsan tinatawag ding "balang",[1] pero sila kabilang sa mga totoong balang. Tinatawag rin silang "garapong langaw". Ang mga kuliglig ay may kaugnayan sa mga miyembro ng Cicadellidae at Cercopoidea. Sa mga bahagi ng timog Bulubundukin ng Appalachian sa Estados Unidos sila ay tinatawag na "tuyong langaw" dahil sa mga tuyong balat na iniiwan nila.

Thumb
‎Kuliglig

Agarang impormasyon Sikada, Klasipikasyong pang-agham ...

Ang mga kuliglig ay hindi nangangagat ngunit maaring maging peste sa mga sinasakang halaman. Kinakain ang mga kuliglig lalo na ang mga babae na mas malaman. Ang mga kuliglig ay kinakain sa Sinaunang Gresya, Tsina, Malaysia, Burma, Latin America at Congo. Ang mga balat ng kuliglig ay ginagamit sa tradisyonal na medisina ng Tsina.[2]

Ang pangalan a nagmula sa salitang Latin na cicada, na ibig sabihin ay "taga-buzz". Sa klasikong Griyego tinatawag itong tettix, at sa makabagong Griyego bilang tzitzikas - ang parehong ngalan ay onomatopoiya.

Remove ads

Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads