Nakasarang patinig

Patinig na nagagawa sa pamamagitan ng pagpuwesto ng dila sa bubong ng bibig From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Nakasarang patinig (Ingles: close vowel) ang mga patinig na sinasalita sa pamamagitan ng pagpuwesto ng dila sa pinakamataas na bahagi ng bubong ng bibig nang hindi gumagawa ng pag-ipit katulad ng sa mga katinig.[1] Kilala rin ito sa tawag na saradong patinig at mataas na patinig (Ingles: high vowel).[a] Sa wikang Tagalog, [i] at [u] ang mga nakasarang patinig.[2]

Karagdagang impormasyon PPA: Mga patinig, Harap ...
Remove ads

Listahan

Narito ang anim na nakasarang patinig na may kaakibat na simbolo sa Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto (PPA).

  • nakasarang harapang di-bilog na patinig [i]
  • nakasarang harapang nakapisil na patinig [y]
  • nakasarang sentrong di-bilog na patinig [ɨ]
  • nakasarang sentrong nakaumbok na patinig [ʉ]
  • nakasarang likurang di-bilog na patinig [ɯ]
  • nakasarang likurang nakaumbok na patinig [u]

Bukod sa anim na ito, nasa baba naman ang mga nakasarang patinig na walang kaakibat na simbolo sa PPA.

  • nakasarang harapang nakaumbok na patinig [ʉ̟] (yʷ)
  • nakasarang sentrong nakapisil na patinig [ÿ] (ɏ)
  • nakasarang likurang nakapisil na patinig [ɯᵝ] (u͍)

Posibleng maipakita ang iba pang mga nakasarang patinig gamit ang mga tuldik ng relatibong artikulasyon na nilalagay sa mga titik para sa mga kalapit na patinig. Halimbawa, o ɪ̝ para sa isang nakasarang halos harapang di-bilog na patinig.

Remove ads

Tingnan din

Talababa

  1. Sa wikang Ingles, mas ginagamit ang salitang high vowel sa Estados Unidos. Gayunpaman, minumungkahi ng Pandaigdigang Samahang Pangponetika (IPA) ang paggamit sa salitang close vowel.

Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads