Nakabukang patinig

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Nakabukang patinig (Ingles: open vowel) ang mga patinig na sinasalita sa pamamagitan ng pagpuwesto ng dila sa pinakamalayong makakayang puwesto mula bahagi ng bubong ng bibig nang hindi gumagawa ng pag-ipit katulad ng sa mga katinig.[1] Kilala rin ito sa tawag na mababang patinig (Ingles: low vowel).[a] Sa wikang Tagalog, [a] ang nag-iisang nakabukang patinig.[2]

Karagdagang impormasyon PPA: Mga patinig, Harap ...
Remove ads

Listahan

Narito ang mga nakabukang patinig na may kaakibat na simbolo sa Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto (PPA).

  • nakabukang harapang di-bilog na patinig [a]
  • nakabukang harapang bilog na patinig [ɶ][b]
  • nakabukang likurang di-bilog na patinig [ɑ]
  • nakabukang likurang bilog na patinig [ɒ]

Bukod sa mga ito, narito din ang mga nakabukang patinig na walang kaakibat na simbolo sa PPA.

  • nakabukang sentrong di-bilog na patinig [ä] o [ɐ̞] (madalas sinusulat bilang [a] na para bang isa itong harapang patinig)
  • nakabukang sentrong bilog na patinig [ɒ̈]
Remove ads

Talababa

  1. Sa wikang Ingles, mas ginagamit ang salitang low vowel sa Estados Unidos. Gayunpaman, minumungkahi ng Pandaigdigang Samahang Pangponetika (IPA) ang paggamit sa salitang open vowel.
  2. Walang wika sa mundo ang may natatanging patinig na may ponemang hiwalay sa /œ/.

Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads