Kosmogoniya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang kosmogoniya, kosmohoniya, o kosmoheniya (mula sa Ingles na cosmogeny at cosmogony[1]) ay ang anumang panukala o teorya hinggil sa pagkakaroon o pinagmulan ng sanlibutan, o tungkol sa kung paano nagsimula ang realidad. Ito ang pag-aaral at pananaliksik hinggil sa pinagmulan at ebolusyon ng sansinukob; ang teorya o modelo ng ebolusyon ng sansinukob.[1] Nagmula ang salita sa Griyegong κοσμογονία (o κοσμογενία), na nagbuhat naman sa κόσμος: "kosmos (cosmos), ang mundo", at ang pinag-ugatan ng γί(γ)νομαι / γέγονα "pagsilang, pagkakalikha". Sa natatanging konteksto o kahulugan sa agham ng kalawakan at astronomiya, tumutukoy ang kosmogoniya sa mga panukala ng paglalang at pag-aaral ng sistema ng araw.
- Tinatalakay sa lathalaing ito ang makaagham na mga panukala hinggil sa paglalang (kosmogoniya). Para sa pagtalakay ng mga paniniwalang kosmohonika ng mga kaugaliang pangkalinangan, tingnan ang mito ng paglikha.
Remove ads
Sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads