DWKL
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang DWKL (92.7 FM), sumasahimpapawid bilang 92.7 Brigada News FM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Brigada Mass Media Corporation. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa The Crossroads Building, Maharlika Highway, Brgy. Isabang, Lucena.[1][2]
Remove ads
Kasaysayan
1987 - 2011: Bay Radio
Itinatag ang himpilang ito noong 1987 bilang 92.7 Bay Radio na may pang-masa na format.
Noong Abril 2011, nasa pamamahala ito ng Air1 Global Advertising Corporation. Lumipat ito sa Lemery, Batangas at itinaas ang ERP ng transmiter nito sa 30 kW.
Gayunpaman, binigyan ng Iddes Broadcast Group ang Air1 ng isang kasunduan sa pamamahala para sa DWCH (91.9 FM). Dahil dito, noong Hunyo 6, 2011, bumitiw sa pamamahala ang Air1 sa 92.7 FM at nawala ito sa ere.
Noong Julyo 2011, bumalik ito sa ere sa ilalim ng pamamahala ito ng pamahalaang Lungsod ng Lucena.
2013 - 2019: Brigada News FM
Noong Oktubre 1, 2013, naging bahagi ang himpilang ito ng pagbili ng Brigada Mass Media Corporation sa Baycomms Broadcasting Corporation.
Noong Oktubre 28, naging 92.7 Brigada News FM ito. Noong Abril 2014, opisyal ito inilunsad.
Gayunpaman, hindi ito gaano tumatak. Noong Hulyo 2015, tinanggal ng istasyong ito ang mga sarili nitong programa at naging relay lamang ito ng kapatid nitong istasyon sa Batangas.
Noong Setyembre 8, 2017, muling inilunsag ng istasyong ito ang mga sarili nitong programa.
2019 - 2020: Pagbabalik ng Bay Radio
Noong Hunyo 8, 2019, ibinalik ang 92.7 Bay Radio na binansagang "Sabay sa Bay" at bumalik ito sa pang-masang format.
2020 - kasalukuyan: Pagbabalik ng Brigada News FM
Noong Enero 20, 2020, ibinalik ang Brigada News FM. Kasalukuyan itong may pinaghalong programang lokal at simulcast mula sa Brigada News FM Batangas.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads