DXDE-FM

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang DXDE (100.7 FM), sumasahimpapawid bilang 100.7 Juander Radyo, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Rizal Memorial Colleges Broadcasting Corporation at pinamamahalaan ng RSV Broadcasting Network. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa Oesom Bldg., Sobrecary St, Brgy Poblacion, Tagum.[1][2][3]

Agarang impormasyon Pamayananng lisensya, Lugar na pinagsisilbihan ...
Remove ads

Kasaysayan

Itinatag ang himpilang ito noong Marso 15, 2014 bilang One Radio. Noong panahong iyon, nasa Purok Bautista, Brgy. Mankilam ang tahanan nito. Noong Disyembre 2, 2020, nawala ito sa ere, kasama ang iba pang himpilan ng Radyo ni Juan, dahil sa problema sa pananalapi.

Noong Marso 1, 2022, bumalik ito sa ere bilang XFM sa ilalim ng pamamahala ng Y2H Broadcasting Network ni Dr. Remelito Uy. Lumipat ito sa kasalukuyan nitong lokasyon sa Villa Magsanoc Subdivision. Noong Oktubre 4, 2022, lumipat ito sa Lungsod ng Dabaw at ginawa itong riley ng XFM Davao.

Noong Mayo 2023, muli ito inilunsad na may sarili nitong lokal na programa. Nag-simulcast pa rin ito ng ilang programa mula sa XFM Davao.

Noong Oktubre 14, 2024, lumipat ang XFM Tagum sa 107.1 FM, na pagmamay-ari ng Y2H, para sa mas magandang kalidad ng signal.[4] Bago ito, ang nasabing frequency ay dating ginamit ng Hope Radio hanggang sa lumipat ang huli sa 106.7 FM na kilala bilang Radyo sa Paglaum (na kalaunan ay lumipat sa 106.8 FM noong unang bahagi ng Nobyembre).

Noong Disyembre 20, 2024, bumalik ito sa ere bilang Juander Radyo sa ilalim ng pamamahala ng RSV Broadcasting Network.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads