Davao de Oro
lalawigan ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Davao de Oro, ay ang ikatlong pinakabagong lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Davao sa Mindanao. Ang kabisera nito ay Nabunturan at napapaligiran ng Davao del Norte sa kanluran, Agusan del Sur sa hilaga, at Davao Oriental sa silangan. Sa timog-kanluran naroon ang Golpo ng Davao. Dating kasapi ang lalawigan ng Davao del Norte hanggang naging malayang lalawigan noong 1998.
Dating kilala ang lalawigan bilang Compostela Valley (literal na "Lambak ng Compostela, "ComVal" kapag pinaikli, Cebuano: Kawalogang Kompostela). Binago ang pangalan sa bisa ng Batas Republika Blg. 11297 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 17 Abril 2019 at isinapubliko noong 22 Mayo sa parehong taon. Ipinagtibay ito sa isang plebisito noong 7 Disyembre sa parehong taon, kung saang sa 179,958 katao na bumoto, 174,442 ang sumang-ayon habang 5,020 ang tumutol.[3][4]
Remove ads
Heograpiya
May kabuuang 4,479.77 metro kkilouwadrado (1,729.65 sq mi)[5] ang lalawigan ng Davao de Oro na sumasakop sa hilagang silangang bahagi ng Rehiyon ng Davao. Naghahanggan ang lalawigan sa Davao del Norte sa kanluran, Agusan del Sur sa hilaga, at Davao Oriental sa silangan. Matatagpuan ang Golpo ng Dabaw sa timog kanluran ng lalawigan.
Pampolitika

Nahahati ang lalawigan ng Davao de Oro sa 2 distrito na binubuo ng 11 bayan
Mga Bayan
Pagpalit ng Pangalan
Naipasa sa senado ang isang panukalang batas noong 2019 na opisyal na nagpapalit sa pangalan ng lalawigan mula sa "Compostella Valley" patungong "Davao de Oro". Nakita ng mga opisyales ng pamahalaang panlalawigan na pinangungunahan ni Gobernador Jayvee Tyron Uy ang pagkakataon na ito upang linawin ang mga kalituhan sa pangalan ng lalawigan, na minsan ay naiuugnay sa Lambak ng Cagayan at sa bayan ng Compostela sa Cebu, at naiuugnay din sa mga karatig lalawigan sa Rehiyon ng Davao. Nakita nila ang pagpapalit ng pangalan bilang pagkakataon upang maipakilala nang higit ang lalawigan sa mga mamumuhunan sa hinaharap. [6] Ginanap ang plebisito noong ika-7 ng Disyembre 2019, na ang nakararami ay bumoto ng sang-ayon sa pagpapalit ng pangalan.
Remove ads
Demograpiya
Ang populasyon ng Davao de Oro sa senso ng 2024 ay 783,775 katao, na may densidad na 170 naninirahan kada kilometro kuwadrado o 440 naninirahan kada milya kuwadrado.
Karamihan ng mga naninirahan sa lalawigan ay mula sa mga lalawigan ng Cebu, Samar, Bohol at iba pang lalawigan sa Kabisayaan. Kinabibilangan ng mga Kalagan, Mansaka, Mandaya, Dibabawon, Mangguangan at mga pangkat Manobo gaya ng mga Atta, Talaingod, Langilan, at Matigsalug Manobo ang mga pangkat katutubong bumubuo sa minoriya.
Mga wika
Wikang Cebuano ang pangunahing wikang sinasalita sa lalawigan. Sinusundan ito ng mga wika ng Kalagan, Wikang Mansaka, Mandaya, Dibabawnon, at Ingles.
Relihiyon
Pangunahing relihiyon sa lalawigan ang Katolisismo na bumubuo sa 74% ng kabuuang populasyon. [9] Ang iba pang mga mahahalagang paniniwala ay kinabibilangan ng Protestante, Iglesia ni Cristo, Islam at Animismo. [10][11]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads