DZRB-AM

himpilan ng radyo sa Kalakhang Maynila, Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

DZRB-AM
Remove ads

Ang DZRB (738 AM), sumasahimpapawid bilang Radyo Pilipinas - Radyo Publiko, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Presidential Broadcast Service. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa 4th Floor, PIA/Media Center Building, Visayas Avenue, Barangay Vasra, Diliman, Lungsod Quezon, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Barangay Marulas, Valenzuela.

Agarang impormasyon Pamayananng lisensya, Lugar na pinagsisilbihan ...
Remove ads

History

Thumb
Logo of Radyo ng Bayan from 2013 to 2017

Itinatag ang himpilang ito noong Mayo 8, 1933 sa ilalim ng pamamahala ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas. Nasa 710 kHz ang talapihitan nito sa ilalim ng call letters na KZSO. Noong Setyembre 3, 1937, inilipat ang pamamahala nito sa Radio Broadcasting Board (RBB) na binuo ni Pangulong Manuel Quezon. Noong Enero 1942, muling inilunsad ang RBB bilang Philippine Information Council (PIC). Noong 1944 nagpalit ang call letters nito sa KZFM, na ipinangalan kay Frederick Marquardt.[1]

Noong Setyembre 1946, dalawang buwan pagkatapos ang kalayaan ng Philippines mula sa Estados Unidos, inilunsad ang Philippine Broadcasting Service.[2] Noong 1948, nagpalit ang call letters nito sa DZFM. Noong Hulyo 1, 1952, binuwag ang PIC at inilipat ang pamamahala nito at ang PBS sa opisina ng pangulo. Noong 1959, inilunsad ang Department of Public Information (DPI), na naging tagapamahala ng himpilang ito.[3]

Thumb
Vehicle (North Bay Boulevard)

Sa ilalim ng Batas Militar noong 1972, kinuha ng Bureau of Broadcasts ang pamamahala ng himpilang ito na naging DPI Radio 1 / MPI Radio 1. Noong Nobyemmbre 1978, lumipat ang talapihitan Nito sa 918 kHz.[4]

Noong 1986, pagkatapos ng Rebolusyong EDSA), muling inillunsad ang himpilang ito bilang Sports Radio na may format na kaugnay sa palakasan.[5]

Noong Enero 2, 1995, batay sa Presidential Order No. 293, inilipat ang Sports Radio sa 918 kHz at muling inilunsad ang talapihitang ito bilang Radyo ng Bayan.[6]

Sa pamumuno ni Rizal "Bong" Aportadera, Jr. (Sonny B) bilang Director General ng PBS, noong Hunyo 5, 2017, muling inilunsad ang mga himpilan ng Radyo ng Bayan bilang Radyo Pilipinas, na kapangalan ng himpilan nito sa SW.[7] Sumunod ang muling paglunsad ng Sports Radio bilang Radyo Pilipinas Dos noong Setyembre 18, 2017.

Mula Mayo 5, 2018, ilan sa mga programa ng Radyo Pilipinas ay napapanood sa PTV.

Mula Pebrero 17, 2025, naka-simulcast ito sa 104.3 The Capital mula 6:00am hanggang 12:30pm.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads