DZRM

Isang himpilang radyo sa Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang DZRM (1278 AM), sumasahimpapawid bilang Radyo Pilipinas - Radyo Magasin, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Presidential Broadcast Service. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa 4th Floor, PIA/Media Center Building, Visayas Avenue, Barangay Vasra, Diliman, Lungsod Quezon, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Barangay Marulas, Valenzuela.

Agarang impormasyon Pamayananng lisensya, Lugar na pinagsisilbihan ...
Remove ads

Kasaysayan

1987 - 2017: Radyo Manila / Radyo Magasin

Itinatag ang himpilang ito noong 1987 bilang Radyo Maynila sa utos ng BBS-PBS interim director na si Jose Mari Gonzales na may sari-sariling pangalan ang mga himpilan nito, kagaya ng Radyo ng Bayan (918 kHz), Sports Radio (738 kHz) at Radyo Pagasa (SW).

Nung huling bahagi ng dekada 90, naging pampublikong radyo ito bilang Radyo Magasin. Bahagi ng format nito ay tungkol sa mga kasalukuyang kaganapan at kulturang Pilipino. Kagaya ito ng format ng isang magasin.[1]

Mula 2007 hanggang 2009, tahanan ng DZRM ang programa para sa kulturang Español, Filipinas, Ahora Mismo.[2]

Noong Setyembre 17, 2017, namaalam ang Radyo Magasin sa ere. Halos lahat ng mga programa nito ay sumanib sa DZSR bilang Radyo Pilipinas Dos, na inilunsad sa susunod na araw.[3]

2020-2023: DepEd TV

Noong Oktubre 5, 2020, bumalik ito sa ere bilang riley ng DepEd TV bilang bahagi ng programang distance learning sa kalagitnaan ng Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas. Nagtagal ito hanggang Hunyo 2022.[4] Nagpatugtog ito ng musika tuwing hindi sumahimpapawid ang DepEd TV.

2023-2024: Radyo Pilipinas 3

Noong Abril 10, 2023, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Radyo Pilipinas 3 (RP3 Alert). Nagsisilbi itong himpilan para sa paghahanda sa kahit anong emerhensya at pagpapakalat ng impormasyon. Karamihan ng mga progrma nito ay naka-riley sa RP1 and RP2.

2025-kasalukuyan: Ang pangalawang Radyo Magasin

Noong Enero 6, 2025, ibinalik ang Radyo Magasin na pangalan. Kasabay nito ang paglunsad ng ilang programa mula sa Radyo Publiko.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads