Dagat Kaspiyo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Dagat Kaspiyo ay ang pinakamalaking anyong tubig na nakapaloob sa Lupa ayon sa sukat, minsan inuuri na pinakamalaking lawa sa mundo o isang dagat.[2][3] Mayroon itong endorheic basin (isang basin na walang outflow) na matatagpuan sa pagitan ng Europa at Asya.[4] Ito ay hinahangganan ng Kazakhstan sa hilagang-silangan, Russia sa hilagang-kanluran, Azerbaijan sa kanluran, Iran sa timog, at Turkmenistan sa timog-silangan.

Matatagpuan ang Dagat Kaspiyo humigit-kumulang 28 metro (92 ft) sa ibaba ng pantay-dagat sa Kaspiyo Depression, sa silangan ng Kabundukang Caucasus at sa kanluran ng malawak na kapatagan ng Gitnang Asya. Umaabot ang sea bed sa katimugang bahagi nang kasimbaba ng 1,023 metro (3,356 ft) sa ibaba ng pantay-dagat, kaya ito ang ikalawang pinakamababang likas na depression sa lupa kasunod ng Lawa ng Baikal (−1,180 metro (−3,871 ft)). Para sa mga sinaunang nanirahan sa ang baybayin nito ang Dagat Kaspiyo bilang isang karagatan, marahil dahil sa alat at laki nito.
May sukat ang ibabaw ng dagat na 371,000 metro kkilouwadrado (143,200 sq mi) (hindi kabilang ang hiwalay na lagoon ng Garabogazköl) at 78,200 metro kilokubiko (18,800 cu mi) naman ang volume.[5] May salinity na humigit-kumulang sa 1.2% (12 g/l),[6] mga isang katatlo ng salinity ng karamihang tubig-dagat.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads