Digmaang Taglamig
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Digmaang Taglamig (Pinlandes: talvisota, Suwesya: vinterkriget, Ruso: Зи́мняя война́)[28] ay isang digmaan sa pagitan ng Unyong Sobyet at Pinlandya noong 1939–1940. Nagsimula ito nang lusubin ng Unyong Sobyet ang Pinlandya noong 30 Nobyembre 1939 (tatlong buwan pagkatapos ng simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig), at natapos sa Kasunduan ng Kapayapaan sa Moscow noong 13 Marso 1940. Dineklara ng Liga ng mga Bansa ang paglusob na ilegal at pinalayas ang Unyong Sobyet mula sa Liga noong 14 Disyembre 1939.[29]
Inaangkin noon ng Unyong Sobyet ang mga teritoryo ng Pinlandya, kasama rito ang pag-urong ng hangganan ng Pinlandya palayo, pangunahin na para protektahan ang Leningrad, na 32 kilometro lamang ang layo mula sa hangganan ng Pinalndya.[30][31][32] Tumanggi ang Pinlandya kaya lumusob ang USSR. Maraming akda ang nagsasabi na nilayon ng Unyong Sobyet na sakupin ang buong Finland,[33][34][35][36][37][38] ngunit may mga akda rin na nagsasabi ng kabaligtaran.[39][40][41]
Mas maraming sundalo (tatlong beses), eroplano (tatlumpung beses), at tanke (isangdaan beses) ang mga Sobyet kaysa sa mga Pinlandes, ngunit ang hukbo ng Unyong Sobyet ay lubhang humina dahil sa Great Purge ni Joseph Stalin noong 1937.[42] Umabot sa mahigit tatlumpung libong mga opisyal ng hukbo ang naalis sa pwesto nila, binitay man o ipinakulong, kaya karamihan sa mga opisyal ng Hukbong Pula ay kulang sa kasanayan.[43][44] Dagdag rito ang mataas na morale at magandang liderato ng hukbo ng Pinlandya, kaya nagawa nilang mapigilan ang mga paglusob ng Unyong Sobyet sa loob ng maraming buwan.[45]
Ngunit dahil sa inayos muli ang organisasyon ng Hukbong Pula, nagawang makalampas sa mga hangganan ang mga puwersa ng Unyong Sobyet. Dahil dito, pumayag ang Finland na magsuko pa ng higit na lupain kaysa sa hinihingi ng Unyong Sobyet noong 1939. Tinanggap ito ng mga Sobyet dahil sa dami ng mga nasawi sa kanilang panig.
Tumigil ang labanan noong Marso 1940 nang malagdaan ang Kasunduan ng Kapayapaan sa Mosku. Sinuko ng Pinlandya ang aabot sa 11% ng lupain nito at 30% ng ekonomiya nito sa Unyong Sobyet.[46] Napakalaki ng nawala ng Unyong Sobyet, kaya humina ang reputasyon nito sa ibang bansa.[47] Nakakuha sila ng malaking teritoryo sa lugar ng Lawa ng Ladoga at lupain sa Hilagang Finland, anupat nagbigay ng hight na lupain sa paligid ng lungsod ng Leningrad.[48] Napanatili ng Pinlandya ang kalayaan nito at napaganda pa ang reputasyon nito.
Remove ads
Talababa
![]() | Mukhang kailangan pong ayusin ang bahagi na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Pebrero 2025)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: Translation needed |
- Commander of the Leningrad Military District Kiril Meretskov initially ran the overall operation against the Finns.[1] The command was passed on 9 December 1939 to the General Staff Supreme Command (later known as Stavka), directly under Kliment Voroshilov (chairman), Nikolai Kuznetsov, Joseph Stalin and Boris Shaposhnikov.[2][3] In January 1940, the Leningrad Military District was reformed and renamed "North-Western Front". Semyon Timoshenko was chosen Army Commander to break the Mannerheim Line.[4]
- At the beginning of the war, the Finns had 300,000 soldiers. The Finnish Army had only 250,028 rifles (total 281,594 firearms), but White Guards brought their own rifles (over 114,000 rifles, total 116,800 firearms) to the war. The Finnish Army reached its maximum strength at the beginning of March 1940 with 346,000 soldiers in uniform.[5][6]
- From 1919 onwards, the Finns possessed 32 French Renault FT tanks and few lighter tanks. These were unsuitable for the war and they were subsequently used as fixed pillboxes. The Finns bought 32 British Vickers 6-Ton tanks during 1936–39, but without weapons. Weapons were intended to be manufactured and installed in Finland. Only 10 tanks were fit for combat at the beginning of the conflict.[7]
- On 1 December 1939 the Finns had 114 combat aeroplanes fit for duty and seven aeroplanes for communication and observation purposes. Almost 100 aeroplanes were used for flight training purposes, not suitable for combat, or under repair. In total, the Finns had 173 aircraft and 43 reserve aircraft.[8]
- At the beginning of the war the Soviets had 2,514 tanks and 718 armoured cars. The main battlefield was the Karelian Isthmus where the Soviets deployed 1,450 tanks. At the end of the war the Soviets had 6,541 tanks and 1,691 armoured cars. The most common tank type was T-26, but also BT type was very common.[13]
Remove ads
Sanggunian
Mga Pinagkunan
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads