Distritong pambatas ng Ilocos Sur

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Ilocos Sur, Una at Ikalawa ang mga kinatawan ng lalawigan ng Ilocos Sur sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Kasaysayan

Ang Ilocos Sur ay dating nahahati sa tatlong distritong pambatas mula 1907 hanggang 1919 nang hiniwalay ang noo'y sub-province ng Abra. Mula tatlo, nabawasan sa dalawa ang mga distrito ng lalawigan.

Sa bisa ng Kautusan Blg. 1646 noong Mayo 15, 1907 ng Philippine Commission, hiniwalay ang Tagudin mula sa lalawigan upang gawing kabisera ng sub-province ng Amburayan ng Mountain Province. Sa kabila nito, nanatiling nirerepresentahan ng ikalawang distrito ng Ilocos Sur ang bayan. Nagbago ang kaayusang ito sa bisa ng Kautusan Blg. 2657 (Administrative Code of the Philippines) noong Agosto 10, 1916 na siyang naghiwalay sa Tagudin mula sa ikalawang distrito.

Sa pamamagitan ng Kautusan Blg. 2877 noong 1920, binuwag ang sub-province ng Amburayan at dinugtong ang karamihan sa mga bayan nito—Alilem, Sigay, Sugpon, Suyo at kabisera nitong Tagudin—sa Ilocos Sur. Ang mga bayan naman ng sub-province ng LepantoAngaki, Concepcion, San Emilio at kabisera nitong Cervantes ay dinugtong din sa Ilocos Sur ngunit nanatili silang kinatawan ng Mountain Province hanggang 1935, nang mabigyan sila ng karapatang bumoto sa bisa ng Kautusan Blg. 4203.

Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon I sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, muling hinati ang lalawigan sa dalawang distritong pambatas noong 1987.

Remove ads

Unang Distrito

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...

Notes

  1. Itinalaga sa Philippine Commission noong 1913.
  2. Nanalo sa espesyal na eleksyong ginanap noong Oktubre 13, 1913 upang punan ang bakanteng pwesto.
  3. Pinaslang noong Oktubre 18, 1970; nanatiling bakante ang posisyon hanggang matapos ang Ikapitong Kongreso.
  4. Nagbitiw noong Marso 1, 2011 pagkatapos masentensiyahan ng Hukuman ng Hong Kong dahil sa pag-aari ng droga.
  5. Nanalo sa espesyal na eleksyong ginanap noong Mayo 28, 2011; nanumpa sa tungkulin noong Mayo 30, 2011.
Remove ads

Ikalawang Distrito

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...

Notes

  1. Dinugtong sa Ilocos Sur noong Pebrero 4, 1920, ngunit patuloy na nirepresentahan ng Mountain Province hanggang 1935. Nabigyan ng karapatang bumoto para sa kinatawan ng ikalawang distrito noong 1935.
  2. Tinanggal sa talaan ng mga kinatawan ng Kapulungan ng mga Kinatawan noong Enero 25, 1960, pagkatapos tumakbo noong eleksyon 1959 para sa gobernador ng Ilocos Sur.
  3. Nanumpa sa tungkulin para sa ikalawang termino noong Enero 21, 1969, pagkatapos maresolba ang mga protestang inihain ni Lucas V. Cauton.[1]

1907–1916

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...

Notes

  1. Dinugtong sa Amburayan sub-province, Mountain Province noong Mayo 15, 1907, ngunit patuloy na nirepresentahan ng unang distrito ng Ilocos Sur hanggang ibinalik sa lalawigan noong Agosto 10, 1916 sa bisa ng Kautusan Blg. 2657.

1916–1919

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...

1919–1935

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...
Remove ads

Ikatlong Distrito (defunct)

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...
Remove ads

At-Large (defunct)

1943–1944

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...

1984–1986

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...

Tingnan din

Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads