Ilocos Sur

lalawigan ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Ilocos Surmap
Remove ads

Ang Ilocos Sur (Filipino: Timog Ilocos, Ilokano: Makin-abagatan nga Ilocos) ay isang lalawigan sa Pilipinas sa rehiyon ng Ilocos sa Luzon. Ang kabiserang panlalawigan nito ay Vigan City, na nasa bunganga ng Ilog Mestizo River. Napapaligiran ang Ilocos Sur ng Ilocos Norte at Abra sa hilaga, Lalawigang Bulubundukin sa silangan, La Union at Benguet sa timog at ang Dagat Timog Tsina sa kanluran.

Agarang impormasyon Bansa, Rehiyon ...

Itinatag ang Ilocos Sur ni Juan de Salcedo, isang Kastilang konkistador, noong 1572. Nabuo ito noong pinaghiwalay ang hilaga (Ilocos Norte ngayon) sa timog (Ilocos Sur). Sa panahong iyon, kalakip nito ang mga bahagi ng Abra at ang itaas na kalahati ng La Union sa kasalukuyan. Ang kasalukuyang hangganan ng lalawigan ay permanenteng binigyang-kahulugan ng Kautusan Blg. 2683, na nilagdaan noong Marso 1917.

Ang lalawigan ay tahanan sa dalawang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO, alalaong baga’y ang Pamanang Lungsod ng Vigan at ang Simbahang Santa Maria.

Remove ads

Heograpiya

Ang lalawigan ng Ilocos Sur ay nahahati sa 32 bayan at 2 lungsod.

Mga Lungsod

Mga Bayan

Pisikal

Matatagpuan ang lalawigan ng Ilocos Sur sa kanlurang baybayin ng Hilagang Luzon. Naghahanggan ang ito sa Ilocos Norte sa Hilaga, sa Abra sa hilagang silangan, sa Mountain Province sa silangan, sa Benguet sa timog silangan, sa La Union sa timog, at sa Dagat Tsina sa silangan. May sukat itong 2,579.58 kilometro parisukat na sumasakop sa 20.11 % ng kabuuang area ng Rehiyong 1.

Remove ads

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads