Flandes

From Wikipedia, the free encyclopedia

Flandesmap
Remove ads

Ang Rehiyong Flamenco (Olandes: Vlaams Gewest) o sa maigsing kataga, Flandes (Olandes: Vlaanderen; Ingles: Flanders)[1] ay isa sa mga rehiyon ng Belhika at dito matatagpuan ang mga mamamayan nitong nag-o-Olandes (kilala bilang wikang Flamenco, o Flemish).

Agarang impormasyon Flandes Vlaanderen Vloandern, Bansa ...
Thumb
Ang Flandes sa madilim berde (hilagang kalahati ng Belhika). Ang Kalakhang Bruselas ay kung minsan itinuturing bilang bahagi ng Flandes at kung minsan ay hiwalay.
Thumb
Watawat ng Flandes

Sa loob ng maraming siglo, ang Flandes ay nagsilbing tawiran sa pagitan ng mga kabihasnang Pranses, Aleman at Britaniko. Sa paningin ng mga sinaunang Ingles, ang Flandes ay (simula bandang 1000 AD) ang lupaing matatagpuan sa pampang ng Hilagang Dagat mula sa Kipot ng Dover hanggang sa bibig ng Ilog Escalda. Ang wastong hangganan nito sa timog ay karaniwang di gaanong malinaw.[2] Nitong nakaraang milenyo, ang lupang sakop nito sa timog at kanluran lamang ang lumiit ng kaunti upang itaguyod ang mga kasalukuyang hangganan nito sa hilagang Belhika.

Ang Kalakhang Bruselas ay bahagi ng Pamayanang Flamenco.

Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads