FlipTop

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang FlipTop Battle League (mas kilala sa tawag na fliptop) ay ang kauna-unahan at pinakamalaking rap battle conference sa Pilipinas. Itinatag ito ni Alaric Riam Yuson (Kilala bilang Anygma) [1] noong taong 2010. Ang liga ay layong mas itaguyod ang Pinoy hip hop. Ang Fliptop ay masasabing na-impluwensyahan ng mga orihanal na rap battle leagues sa kanluran na naitatag naman noong taong 2008 tulad ng - Grind Time Now, King of the Dot and Don't Flop, na nagbigay inspirasyon sa pagkakatatag ng Fliptop at ng iba pang liga sa iba't-ibang sulok ng mundo.[2]. Ang ligang ito ay nasa pamamahala ng FlipTop Kru Corp isang kumpanya na itinatag mismo ni Yuson.

Agarang impormasyon Industriya, Itinatag ...
Remove ads

Laban

Karaniwang binubuo ng tatlong rounds ang paligsahan na mayroong time limit ang bawat kalahok na itinakda ng reperi o ng namamahala. Ang obertaym ay ipinapataw kung tabla ang laban. Ang unang sasalang ay napagpapasyahan sa pamamagitan ng toss coin o pagpahagis/pagpitik/pagpapaikot ng barya. Hindi pinagbabawal ang mga barang naisulat na bago ang laban pati na ang mga hindi pa naisusulat. Ang panunungayaw, malalang pamimintas, at panunukso ay hindi pinagbabawal sa laban, at nararapat na 'wag itong tanggapin na seryoso, totoo, at personal.[3][4] Ang magkabilang panig ay maaari ding magdala ng props para sa event. Filipino ang pangunahing wika na ginagamit sa laban bagamat may mga laban din na ginagamitan ng ibang wika at diyalekto o idyoma. Ang panalo sa laban ay pinagpapasyahan ng mga hurado. Ang batayan para sa paghatol ay maaaring sa paggamit ng mga salita, ang kakaibang epekto sa madla, at estilo sa pagra-rap.[2]

Remove ads

Format

Mayroong tatlong battle format ang Fliptop. Written, Freestyle, at Old School na minsa'y ipinagsasama sa Freestyle.

Written - Ang sa ngayon ay karaniwang labanan sa Fliptop, wala itong background music. Maaring mayro'n o walang sukat ang mga rima.

Freestyle - Noong simula ito ang madalas na format ng labanan sa Fliptop, may mga freestyle battle pa rin ngunit 'di na kasing dalas ng Written format. Mayroon at wala itong background music, at wala ring sukat ang mga rima.

Old School - Madalas gamitin sa tryouts. Mayroon itong background music, at naipagsasama sa Freestyle.


May iba't-ibang variations ng rap competition sa Fliptop:

  • Dos por Dos - Ito ay kampihan ng dalawa laban sa dalawang rap emcee o femcee, maaari itong Written o Freestyle.
  • Five on Five - Ito ay kampihan ng lima laban sa limang rap emcee o femcee, maaari itong Written o Freestyle.
  • Femcee Battle - Tanging mga kababaihan lamang ang maaaring lumaban dito na tinatawag na femcee.
  • Intergender Battle - Kalalakihan laban sa mga kababaihan.
  • Royal Rumble - Isang rap battle na binubuo ng tatlo o mahigit pang katao, na inaatake at matinding pinipintasan ang bawat isa.
  • Secret Battle - Ito ay tulad rin ng iba, ngunit mapapanood lamang ng mga pili o limitadong manunuod. Minsan biglaan ang laban
  • Won Minutes - Isang minutong lamang na bara kada round.
Remove ads

Mga Kilalang Emcees

Karagdagang impormasyon Emcee Name, Tunay na Pangalan ...
Remove ads

Kultural na epekto at kritisismo

Sa unang pamamayagpag nito, ang Fliptop ay nagtamo ng maraming kritisismo dahil sa paggamit nito ng mga bulgar na salita, walang galang, masasakit na salita, panunukso, at panghahamak. Dahil dito, ang kinahinatnan ay pinagbawal ng pamahalaang lungsod ng Makati ang rap battle events sa kanilang nasasakupan.[5] Ngunit sa pagdaan ng panahon, natanggap na rin nila ito.[6] Matapos makamit ng Fliptop ang reputasyon nito sa pamamagitan ng social media,[7] maraming amateur at minor rap battles ang nagsi-usbungan tulad ng Sunugan, Word War, Versus Verses, atbp. Dahil sa pagkakaroon nito ng Freestyle at mga nilalamang rima, may mga akademiko na nagsasabing ito ay modernong "balagtasan" bagamat may mga rap artist na pinapabulaanan ang ideyang ito.[8][9] Nakakuwa rin ito ng atensyon mula sa media, dahil dito ang mga emcees na kasama sa Fliptop ay sumikat at nakakamit ng ika nga'y "commercial success".[10][11][12]

Mapapanood ang mga iba't-ibang laban ng FlipTop Battle League sa kanilang mga Video sa YouTube , at mga updates sa kanilang page na nakatala bilang FlipTop sa Facebook.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads