Golpo ng Moro

From Wikipedia, the free encyclopedia

Golpo ng Moromap
Remove ads

Ang Golpo ng Moro ay ang pinakamalaking golpo sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa baybayin ng Mindanao, at bahagi ito ng Dagat Celebes. Isa ang golpo sa mga palaisdaan ng tuna sa bansa.[1]

Agarang impormasyon Lokasyon, Mga koordinado ...
Remove ads

Heograpiya

Matatagpuan ang golpo sa pagitan ng at pinapalibutan ng pangunahing bahagi ng Mindanao sa silangan, at ng Tangway ng Zamboanga ng Mindanao sa kanluran. Papunta sa golpo ang pangunahing daluyan ng tangway.[2]

Ang Look ng Sibuguey at Look ng Illana ay mga pangunahing look nito.

Ang Lungsod ng Zamboanga, na isang pandaigdigang pantalan, ay hinahangganan ng golpo at ng Dagat Celebes sa silangan.[3] Isa pang pangunahing pantalan sa rehiyon ang Lungsod ng Cotabato, na nasa silangang baybayin ng golpo.

Remove ads

Mga lindol

Ang Golpo ng Moro ay isa ring lugar ng mahalagang tektonikang aktibidad na may ilang mga sonang palya sa rehiyon na kayang makalikha ng mga pangunahing lindol at nakakapinsalang lokal na tsunami, tulad ng nakamiminsalang lindol sa Golpo ng Moro noong 1976 na ikinamatay ng higit sa 5,000 katao at nag-iwan sa higit sa 90,000 katao na walang tirahan nang tumama ito sa kanlurang baybayin ng Mindanao.

Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads