Gurd

From Wikipedia, the free encyclopedia

Gurd
Remove ads

Kasama sa mga gurd, na tinatawag din na kalabasa, ang mga bunga ng ilang namumulaklak na uri ng halaman sa pamilyang Cucurbitaceae, partikular ang Cucurbita at Lagenaria. Tumutukoy ang katawagan sa isang bilang ng mga espesye at subespesye, marami ang may matitigas na balat, at wala ang ilan. Maraming gurd ang may malalaki, hugis-ulo na katawan at mahabang leeg, tulad ng mga Dipper Gourd, maraming uri ng upo at mga caveman club gourd. Isa sa mga pinakaunang domestikadong uri ng halaman, ang mga subespesye ng upo, ang Lagenaria siceraria, ay natuklasan sa mga sityong pang-arkeolohya na mula pa noong 13,000 BC. Ang mga gurd ay nagkaroon ng maraming gamit sa buong kasaysayan, kabilang ang pagiging kasangkapan, mga instrumentong pangmusika, mga bagay ng sining, pelikula, at pagkain.

Tungkol ang artikulong ito sa ilang uri ng halaman sa pamilyang Cucurbitaceae partikular ang Cucurbita na kalabasa din ang tawag. Para sa kilalang uri ng Cucurbita, tingnan ang kalabasa.
Thumb
Mga Gurd sa isang palengke sa Massachusetts
Remove ads

Terminolohiya

Paminsan-minsang ginagamit ang "gurd" na hango sa Ingles na gourd upang ilarawan ang mga pananim na halaman sa pamilyang Cucurbitaceae, tulad ng mga pumpkin (na kalabasa din ang tawag), pipino, squash (na kalabasa din ang tawag), luffa, at milon.[1] Higit na partikular, tumutukoy ang gurd sa mga bunga ng mga halaman sa dalawang Cucurbitaceae na henera na Lagenaria at Cucurbita,[2][3] o sa kanilang may guwang, tuyo na balat.

Remove ads

Mga gamit

Ang mga kultura mula sa mga tuyong rehiyon ay madalas na iniuugnay ang mga gurd sa tubig, at lumilitaw ang mga ito sa maraming mga alamat ng paglikha. Mula noong bago ang sinulat na kasaysayan ng tao, mayroon na silang maraming gamit kabilang ang pag-iimbak ng pagkain, mga kagamitan sa pagluluto, mga laruan, mga instrumentong pangmusika at dekorasyon.[4] Sa ngayon, karaniwang ginagamit ang mga gurd para sa iba't ibang uri ng mga kasanayan, kabilang ang mga alahas, muwebles, pinggan, kagamitan at iba't ibang uri ng dekorasyon gamit ang pag-ukit, pagsusunog at iba pang mga pamamaraan tulad ng mga lampara at lalagyan para sa pag-iimbak ng mga bagay.[5]

Remove ads

Kuwentong-bayan at relihiyon

Napanatili ng mga gurd ang isang kilalang pagganap sa mitolohiya ng maraming kultura. Sa pagsasaalang-alang sa Kristiyanismo, ilang mga alagad ng sining tulad nina Frans Floris at Carlo Crivelli ang naglarawan sa gurd bilang isang simbolo ng Pagkabuhay na Muli ni Kristo, na pinagsama sa Bunga ng Mabuti at Masama na kinain nina Adan at Eba. Sa Lumang Tipan ng Kristiyanong Bibliya, isang puno ng gurd ang ginamit upang protektahan si Jonas mula sa matinding kondisyon ng panahon habang nagsusuri siya sa Nineve.[6] Pinagtalunan ang terminolohiya sa Bersyong Bagong Haring Jacobo (New King James Version) na simpleng gumagamit lamang ng katawagang halaman. Sa Katolisismo, ang kalabasa at baras na pinalamutian ng mga peregrino sa Camino de Santiago ay naging magkasingkahulugan ng imahe ni Raphael (arkanghel).

Madalas ding lumilitaw ang gurd sa mitolohiyang Tsino. Madalas na inilalarawan ang diyos na Tsino ng mahabang buhay na si Shouxing na may dalang tungkod na may kabit na gurd sa dulo nito. Si Li Tieguai, isa sa Walong Imortal, ay madalas ding inilalarawan ng isang upo na naglalaman ng isang espesyal na gamot na ginagamit niya sa pagtulong sa mga maysakit, mahirap, o nangangailangan. Tumutukoy ang mga paglalarawang ito sa kahalagahan ng prutas bilang simbolo ng mahabang buhay at ang kapangyarihan ng medisina sa loob ng kulturang Tsino.[7]

Tingnan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads