Guyana
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Guyana (pagbigkas: ga•yá•na), na ang opisyal na pangalan ay Kooperatibang Republika ng Guyana (Ingles: Co-operative Republic of Guyana)[6] ay isang nakapangyayaring bansa sa hilagang rehiyon ng Timog Amerika. Napalilibutan ito ng Karagatang Atlantiko sa hilaga, Brazil sa timog at timog-kanluran, Suriname sa silangan, at Venezuela sa kanluran. Sa lawak nitong 215,000 metro kkilouwadrado (83,000 sq mi), ang Guyana ay ikaapat na pinakamaliit na bansa sa punong-lupain ng Timog Amerika kasunod ng Uruguay, Suriname, and French Guiana.
Sakop ng rehiyong tinatawag na Guianas ang malaking kalupaang hilaga ng Ilog Amazon at silangan ng Ilog Orinoco. Naninirahan na dito ang iba't ibang katutubong pangkat nang dumating ang mga Dutch. Napasailalim naman sa Britanya ang bahagi na naging Guyana noong huling bahagi ng ika-18 siglo. Pinamahalaan ito bilang isang ekonomiyang batawan ng British Guiana hanggang matamo nito ang kasarinlan nito noong 1966, at opisyal na naging republika sa loob ng Commonwealth of Nations noong 1970. Makikita ang naging pamana ng mga Briton sa magkakahalo nitong populasyon na kinabibilangan ng mga Indiano, Africano, Amerindian, at grupong may halong-lahi.
Natatangi rin ang Guyana bilang nag-iisang bansa sa Timog Amerika kung saan opisyal na wika ang Ingles. Ito'y bagaman ang karamihan sa populasyon ay nagsasalita ng Guyanese Creole isang wikang kriyolyong batay sa Ingles, na may halong Dutch, Arawakan at Caribbean. Dagdag sa pagiging bahagi ng Anglophone Caribbean, ang Guyana ay isa sa iilang bansa sa Caribbean na hindi pulo sa West Indies. Ang punong-tanggapan ng Caribbean Community (CARICOM), kung saan kasapi ang Guyana, ay nasa kabisera at pinakamalaking lungsod nito na Georgetown. Noong 2008, sumanib ang bansa sa Union of South American Nations bilang isa sa tagapagtaguyod nito.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads