Talasalitaang Sino-Koreano
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang talasalitaang Sino-Koreano o Hanja-eo (Koreano: 한자어; Hanja: 漢字語) ay tumutukoy sa mga salitang Koreano na nagmula sa Tsino. Kabilang sa talasalitaang Sino-Koreano ang mga salitang hiniram nang tuwiran mula sa wikang Tsino, pati ang mga bagong salitang Koreano na nagmula sa mga Tsinong titik. Halos 60 bahagdan ng mga salitang Koreano ay nagmula sa Tsina;[1] subalit, tinatantiya na mas mababa ang bahagdan ng mga salitang Sino-Koreano sa modernong paggamit.
Remove ads
Kasaysayan
Nagmula ang paggamit ng Tsino at Tsinong titik sa Korea sa 194 BCE o mas maaga pa. Habang laganap ang paggamit ng mga salitang Sino-Koreano noong panahon ng Tatlong Kaharian, lalong sumikat ang mga ito noong panahong Silla. Sa panahong iyon, pinalitan ng mga lalaking aristokrata ang kanilang ibinigay na pangalan ng mga pangalang Sino-Koreano. Bilang karagdagan, pinalitan ng gobyerno ang lahat ng mga opisyal na titulo at pangalan ng lugar sa bansa ng Sino-Koreano.[1]
Nanatiling popular ang mga salitang Sino-Koreano noong mga panahong Goryeo at Joseon.[1] Gayunman, lumalaki pa rin ang bokabularyong Sino-Koreano sa South Korea, kung saan ginagamit ang mga kahulugan ng mga Tsinong titik para makalikha ng mga bagong salita sa Koreano na hindi umiiral sa Tsino. Samantala, ang patakarang Hilagang Koreano ay nanawagan ng pagpapalit ng maraming salitang Sino-Koreano sa mga katutubong salitang Koreano.[2]
Remove ads
Paggamit
Bumubuo ang mga salitang Sino-Koreano ng halos 60 bahagdan ng bokabularyo sa Timog Koreano, ang natitirang bilang ay mga katutubong Koreanong salita at mga salitang hiram mula sa mga iba pang wika, karamihan mula sa Ingles. Karaniwan nang ginagamit ang mga salitang Sino-Koreano sa mga kontekstong pormal o pampanitikan,[3] at para ipahayag ang mga ideyang abstrakto at kumplikado.[4] Halos lahat ng mga apelyidong Koreano at karamihan ng mga unang pangalan sa Koreano ay Sino-Koreano.[1] Bilang karagdagan, maihahayag ang mga Koreanong bilang ng mga salitang Sino-Koreano at katutubong Koreano, ngunit magkakaiba ang mga layunin ng bawat kalipunan ng mga bilang.[4]
Maaaring nakasulat ang mga salitang Sino-Koreano sa alpabetong Koreano, kilala bilang Hangul, o sa mga Tsinong titik, kilala bilang Hanja.[5]
Remove ads
Mga halimbawa
Mga salitang hiniram mula sa Tsino
Ang mga salitang Sino-Koreano na tuwirang hiniram mula sa Tsino ay pangunahing nagmumula sa mga Tsinong klasika, panitikan, at kolokyal na Tsino.[2]
Mga salitang inilikha mula sa Tsino
Inilikha ang mga sumusunod na salitang Tsino sa Korea. Hindi ginagamit ang mga ito sa Tsino, Hapon, o Biyetnam.
Mga salitang hiniram mula sa Sino-Hapones
Ginagamit lamang ang mga salitang Sino-Koreano na hiniram mula sa sino-Hapones sa Koreano at Hapones, hindi sa Tsino.[2]
Tingnan din
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads