Banal na Luklukan
nasasaklawan ng Obispo ng Roma From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Banal na Luklúkan[2] o Santa Sede (Latin: Sancta Sedes, Ingles: Holy See) ay ang eklesyastikal na nasasakupan ng Lungsod ng Vaticano at Simbahang Katolika sa buong mundo. Isa itóng pamahalaan ng isang bansa at ng simbahan, kung saan ang Santo Papa ang siyang namamahala bílang pinuno ng Lungsod ng Vaticano at punong pastol ng Simbahang Katolika. Nanunungkulan ito bílang pinakamataas na pamamahala ng bansa at simbahan at luklukan ng pagkakaisa dahil sa kanyang antas bilang pangunahing lugar ng mga Kristiyano sa buong mundo. Itinaguyod ito ni Apostol Pedro noong unang panahon nang dumating siya sa Roma upang ipahayag doon ang salita ng Diyos kung saan nakahikayat ng mga nananampalataya. Sa kasalukuyan, ito ay nangangasiwa sa pananampalatayang Kristyano na pinapamahalaan sa bawat kawan.
Ito ay maaring sabihing na katulad ng isang bansa, kung saan ang mayroon itong pamamahala na pinamumunuan ng pamahalaan ng isang bansa bílang pangkalahatang tagapangasiwa kasáma ang iba't ibang ahensiya at kagawaran na mahalaga sa pamamahala na puwedeng ihalintulad sa mga sangay ng gobyerno. Ito ay nakikilahok sa ugnayang pandaigdigan sa iba't ibang mga bansa, at hawak ang Lungsod ng Vaticano sa ilalim ng pamumuno nito.
Sa laragan naman ng diplomasya, kinakatawan ng Santa Sede ang buong Simbahang Katolika, at kinikilala ito ng batas pandaigdig bilang isang hiwalay na pagkakakilanlan na may kapangyarihan, sa pamumuno ng Santo Papa, kung saan maaaring magkaugnay ang mga bansa kasama nito.[3][4]
Gayumpaman, karaniwang tinutukoy bilang "Vaticano" ang Santa Sede dahil ito ay matatagpuan sa Lungsod ng Vaticano at pinamumunuanan ang bansa ng Santa Sede. Ang Vaticano ay itinatag noong 1929 sa bisa ng Tratado ng Letran ang Lungsod ng Vaticano, habang umiiral pa noong sinaunang panahon ang diyosesis ng Roma na kinakatawan ng Santa Sede. Ang akreditasyon, halimbawa, ng mga embahador sa Simbahang Katolika ay sa Santa Sede, at pinapadala naman ng Simbahang Katolika ang mga anunsiyo nito sa mga ibang bansa sa ngalan din ng Santa Sede. Dahil ang Santa Sede ay pamahalaan ng Lungsod ng Vaticano at Simbahang Katolika, ito ay ang pinakamalaki at ang natatanging pamahalaan ng bansa na buong mundo ang pinamumunuan.
Remove ads
Terminolohiya
Ang lahat ng sede/luklukan ay tinuturing na banal. Sa Wikang Griyego, ang pang-uring "banal" o "sagrado" (ἱερά tinititik bílang hiera) ay parating ginagamit para lahat ng sede/luklukan. Sa Kanluran, ang pang-uri ay bihirang ilagay ngunit kasáma pa rin ito sa opisyal na titulo ng dalawang sede: pati na rin ng Roma, ang Obispado ng Mainz (ang dáting Arsobispado ng Mainz), na isa ring elektoral at primasyal na ranggo, ay nagdadala ng titulong "ang Banal na Luklukan ng Mainz" (Latin: Sancta Sedes Moguntina).
Remove ads
Tingnan din
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads