Hulyo

Ikapitong buwan sa kalendaryong Julian at Gregorian From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Hulyo ay ang ikapitong buwan ng taon sa mga kalendaryong Huliyano at Gregoryano. May haba itong 31 araw. Ipinangalan ito ng Senadong Romano bilang karangalan sa Romanong heneral na si Julio Cesar noong 44 B.C., dahil buwan ng kapanganakan niya ito. Bago nito, tinatawag ang buwan bilang Kwintilis, dahil ito ang ikalimang buwan ng kalendaryo na nagsimula ng Marso.[1]

12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Sa katamtaman, ito ang pinakamainit na buwan sa karamihan ng Hilagang Emisperyo, kung saan ito ang ikalawang buwan ng tag-init, at ang pinakamalamig sa karamihan ng Timog Emisperyo, kung saan ito ang ikalawang buwan ng tagniyebe. Nagsisimula ang ikalawang bahagi ng taon sa Hulyo. Sa Timog Emisperyo, ang Hulyo ay ang katumbas na panahon ng Enero sa Hilagang Emisperyo.

Ang mga araw ng aso o "dog days" ay tinuturing na nagsisimula sa maagang bahagi ng Hulyo sa Hilagang Emisperyo, kung kailan nagsisimula ang mainit na maalisangang panahon ng tag-init.

Remove ads

Mga simbolo

Thumb
Batong-hiyas na rubi
Thumb
Bughaw na delpinyo (espuwela de kabalyero)
Thumb
Puting kiyapo

Rubi ang birthstone o batong-kapanganakan ng Hulyo, na sinisimbolo ang pagkakuntento. Ang bulaklak-kapanganakan ng Hulyo ay espuwela de kabalyero at ang kiyapo. Ang senyas ng sodyak ay ang Cancer (hanggang Hulyo 22) at Leo (mula Hulyo 23 pataas).[2][3]

Mga pagdiriwang

Buong buwan

  • Buwan ng Pagtatalaga sa Mahalagang Dugo ni Jesus (Tradisyong Katoliko)

Nakapirmi

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads