Imperyong Timurida
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Imperyong Timurida (Persia: تیموریان), tinalaga ang sarili bilang Gurkani (Persia: گورکانیان), ay isang imperyong Persyanatong[1][2] Turko-Mongol na binubuo ng makabagong Uzbekistan, Iran, ang katimugang Caucasus, Mesopotamia, Afghanistan, karamihan ng Gitnang Asia, gayon din ang kontemporaryong Indya, Pakistan, Syria at Turkey.
Dinastiyang Timurida تیموریان | ||
---|---|---|
dating bansa | ||
| ||
![]() | ||
![]() | ||
Mga koordinado: 34°20′28″N 62°12′11″E | ||
Itinatag | 1370 (Huliyano) | |
Binuwag | 1507 (Huliyano) | |
Ipinangalan kay (sa) | Dinastiyang Timurida | |
Kabisera | Samarqand, Herat | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Feudalismo | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 4,400,000 km2 (1,700,000 milya kuwadrado) | |
Wika | Wikang Persa |
Itinatag ang imperyo ni Timur (kilala din Tamerlane), isang warlord o pinuno ng militar na may lahing Turko-Mongol, na itinatag ang imperyo sa pagitan ng 1370 at kanyang kamatayan noong 1405. Nakita niya ang sarili bilang dakilang tagapagpanumbalik ng Imperyong Mongol ni Genghis Khan, na pinapahalagaan ang sarili bilang tagapagmana ni Genghis, at labis na inugnay sa Borjigin. Nagpatuloy si Timur ng masiglang ugnayan sa kalakalan sa dinastiyang Ming ng Tsina at ang Ginintuang Horda, kasama ang mga diplomatikong Tsino tulad nina Ma Huan at Chen Cheng na regular na naglalakbay tungong kanluran sa Samarkand upang kolektahin ang tributo at magbenta ng mga produkto, na pinapagpatuloy ang tradisyon ng imperyong Mongol. Napunta ang imperyo sa Renasimiyentong Timurida, partikular noong paghahari ng astronomo at matematikong si Ulugh Begh.
Noong 1467, nawala sa namamayaning dinastiyang Timurida, o mga Timurida, ang karamihan ng Persya sa konpederasyong Aq Qoyunlu. Subalit nagpatuloy ang mga kasapi ng dinastiyang Timurida sa paghahari sa mas maliit na mga estado, na kilala minsang bilang mga emiratong Timurida, sa Gitnang Asya at ilang bahagi ng Indya. Noong ika-16 na dantaon, sinalakay ni Babur, isang prisipeng Timurida mula sa Ferghan (makabagong Uzbekistan), ang Kabulistan (makabagong Afghanistan) at itinatag ang isang maliit na kaharian doon. Pagkaraan ng dalawampung taon, ginamit niya ang kaharian bilang isang paraan upang masalakay ang Indya at maitatag ang Imperyong Mughal.
Kasaysayan
Sinakop ni Timur ang malaking bahagi ng sinaunang malaking mga teritoryo ng Persiyano sa Gitnang Asya, panguhnahin ang Transoxiana at Khorasan, mula 1363 pataas na may iba't ibang mga alyansa (Samarkand noong 1366, at Balkh noong 1369), at nakilala bilang ang naghahari sa kanila noong 1370. Opisyal na umaakto sa ngalan na Suurgatmish, ang Chagatai khan, nilupig niya ang Transoxania at Khwarazm sa mga taon na sumunod. Noong dekada 1360, nakontrol niya ang kanlurang Chagatai Khanate at habang bilang emir, sumasailalim siya sa khan sa pangalan lamang, sa katotohanan, kinuha ni Timur ang mga khan bilang tau-tauhan na mga naghahari. Patuloy na nagdodomina ang kanlurang mga khan na Chagatai ng mga prinsipeng Timurida noong ika-15 at ika-16 na dantaon at ang kanilang kahalagaang tau-tauhan ay nabawasan sa kalaunan sa walang halaga.
Kalinangan

Bagaman nagmula ang mga Timurida mula sa angkang Barlas, na Tinurkong Mongol ang pinagmulan,[3] niyakap nila ang kalinangang Persyano,[4] nag-Islam, at nanirahan sa Turkestan at Khorasan. Samakatuwid, may dalawang karakter ang panahong Timurida,[5] na sinasalamin ang parehong Turko-Mongol na pinagmulan at Persyanong panitikan, artistiko, at magalang na mataas na kalinangan ng dinastiya.[6][7]
Wika
Noong panahong Timurida, sumanga ang lipunang Gitnang Asya, na may responsibilidad ng pamahalaan at ang pamamahala ay nahati sa militar at sibilyang kalagayan kasabay ng mga etnikong linya. Noong mga unang mga yugto, ekslusibong halos Turko-Mongol ang militar, habang eksklusibong Persyano ang sibilyan at administratibong elemento. Ang sinasalitang wika na binabahagi ng lahat ng Turko-Mongol sa buong lugar ay Chaghatay. Nakinig ang mga pampolitikang organisasyon sa kapatagang-nomadikong sistema ng pagtangkilik na ipinakilala ni Genghis Khan.[8] Bagaman, Persiyano ang pangunahing wika ng panahon na iyon, na katutubong wika ng mga Tājīk (Persyano) na bahagi ng lipunan at ang wika ng pag-aaral na kinuha sa pamamagitan ng literato o urbanong mga tao. Babad na si Timur sa kulturang Persyano[9] at sa karamihan ng mga teritoryo, sinama niya ito, at Persyano ang pangunahing wika ng pamamahala at panitikang kalinangan. Samakatuwid, ang wika ng nanirahang "diwan" ay Persyano, at mga eskriba nito ay kailangang lubos na sanay sa kulturang Persyano, kahit ano man ang kanilang etnikong pinagmulan.[10] Ang Persyano ang naging opisyal na estadong wika ng Imperyong Timurida[7][6] at nagsilbi bilang wika ng pamamahala, kasaysayan, panitikan at panulaan.[11] Katutubo at "wika sa tahanan" ang Chaghatay sa pamilyang Timurida,[12] habang nagsilbi ang Arabe bilang wikang par excellence ng agham, pilosopiya, teologo, at ang relihiyosong agham.[13]
Mga naghari
Mga emperador (Emir)
- Timur
- Pir Muhammad (anak ni Jahangir) (naghari 1405–1407)
- Khalil Sultan
- Shah Rukh
- Ulugh Beg
- Abdal-Latif Mirza
- Abdullah Mirza
- Sultan Muhammad
- Abul-Qasim Babur Mirza
- Sultan Ahmed Mirza
- Sultan Mahmud Mirza
- Mirza Shah Mahmud
- Ibrahim Mirza
- Abu Sa'id Mirza
- Sultan Husayn Bayqara
- Yadgar Muhammad Mirza (naghari 1469–1470)
- Badi' al-Zaman Mirza
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.