Jake Zyrus
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Jake Zyrus (ipinanganak Mayo 10, 1992; dating may stage name na Charice Pempengco) ay isang Pilipinong mang-aawit na sumikat dahil sa pamamagitan ng Youtube. Binansagan ni Oprah Winfrey bilang Pinakatalentandong batang babae sa Daigdig (noong bago pa siyang sumailalim sa gender transition),[2] at inilabas niya ang kanyang unang internasyunal na studio album na Charice noong 2010. Pumasok sa ika-pitong pwesto ang album sa Billboard 200, na naging dahilan upang si Zyrus ang kauna-unahang Asyanong solong mang-aawit na nakapasok sa kasaysayan ng Top 10 ng tsart ng Billboard 200.[3] Sa paglalantad ng tunay na katauhan bilang isang transman at pagbabagong anyo nito, nagpasimula namang bumagsak ang kaniyang karera sa larangan ng pagkanta. Ang dating pang-internasyunal na boses ay hindi na kinilala ng karamihan. Sa kabila nito’y naging mas masaya naman ang mang-aawit dahil sa pinili nitong landas.[4]
Remove ads
Diskograpiya
Mga sanggunian
Mga kawing na panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads
