Kasuotan

From Wikipedia, the free encyclopedia

Kasuotan
Remove ads

Ang damit, pananamit, gayak, panggayak, na kilala rin bilang kasuutan[1] (kasuotan), mga bihisan[2] o mga pambihis (Ingles: clothing; Kastila: ropa) ng katawan ng tao. Ang punungkatawan ay matatakpan ng isang kamiseta, ang mga bisig ng manggas, ang mga binti ng mga pantalon, maong, o palda, ang mga kamay ng mga guwantes, ang mga paa ng mga medyas at ng mga sapatos, mga sandalyas, mga bota, at ang ulo ng mga sumbrero. Yari ang mga kasuotan sa maraming mga materyal, katulad ng mga telang gawa sa bulak, lana, polyester, at katad. Sa mga pook na malalamig ang klima, nagsusuot ang mga tao ng mabibigat at makakapal na mga pangginaw.

Thumb
Kasuotan
Thumb
Kasuotang Camisa De Chino sa Las Casas Filipinas De Acuzar, Bagac, Bataan

Halos lahat ng mga tao ay nagsusuot ng mga damit. Nagbibigay ng proteksiyon ang mga kasuotan sa katawan ng tao mula sa init ng araw at matataas na mga temperatura sa mga bansang tropikal. Isinasanggalang din ng mga damit ang katawan ng tao mula sa napakalalamig na mga temperatura. Napuprutektahan din ng mga damit ang tao mula sa mga kulisap at iba pang mga insekto. Isinusuot din ang mga pambihis bilang mga palamuti o dekorasyon, katulad ng sa larangan ng moda. Nagsusuot ang mga taong mula sa sari-saring mga kultura ng iba't ibang mga damit, at may magkakaibang mga paniniwala at gawi hinggil sa uri ng mga damit na nararapat isuot. Para sa maraming mga tao, isang sagisag ng antas sa lipunan ang mga damit. Naglalarawan ang damit ng anyong panlipunan ng tao. Madalas na isang uri ang pananamit ng pagpapadama ng sarili. Sa kasalukuyan, naging mas masulong na ang dahilan ng pananamit, hindi na ito basta pananggalang lamang para sa ikabubuti ng katawan.

Remove ads

Kasaysayan

Palagi nang ninanais ng tao na mapainam ang kanyang kaanyuhan. Gumamit ang unang mga tao ng mga balat ng hayop bilang damit. Para sa sinaunang mga tao, maaaring ang damit ay isang bagay na masalamangka, pangdekorasyon, at bilang kagamitan.

Talaan ng mga kasuotan

Karagdagang impormasyon Wikang Filipino/Tagalog, Wikang Ingles ...
Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads