Kobe

kabiserang lungsod ng Hyōgo Prefecture, Japan From Wikipedia, the free encyclopedia

Kobemap
Remove ads

Ang Kobe ( /ˈkb/ KOH-bay; Hapon: 神戸, romanisado: Kōbe, ja), kinikilala bilang Lungsod ng Kobe (神戸市, Kōbe-shi, ja), ay ang kabiserang lungsod ng Prepektura ng Hyōgo sa Hapon. Pampito ito sa pinakamalaking mga lungsod sa bansa, na may populasyon ng humigit-kumulang 1.5 milyon. Pumapangatlo naman ito sa pinakamalaking mga pantalang lungsod sa bansa, kasunod ng Tokyo at Yokohama. Matatagpuan ito sa rehiyon ng Kansai sa katimugang baybayin ng pulo ng Honshū, sa hilagang pampang ng Look ng Osaka.

Agarang impormasyon Kobe 神戸市, Bansa ...
Agarang impormasyon

Nagmumula sa Nihon Shoki ang kauna-unahang mga nakasulat na tala patungkol sa rehiyon; inilalarawan nito ang pagkakatatag ni Emperatris Jingū ng Dambana ng Ikuta noong AD 201.[2][3] Hindi kailanman naging isang solong pampolitika na entidad sa loob ng malaking bahagi ng kasaysayan nito, kahit noong panahon ng Tokugawa. Tuwirang hinawak ng shogunatong Tokugawa ang pantalan nito. Hindi umiral ang Kobe sa kasalukuyang anyo nito hanggang sa pagkakatatag nito noong 1889. Hango ang pangalan nito sa Kanbe (神戸, isang sinaunang titulo ng mga nagtataguyod sa Dambana ng Ikuta).[4][5] Naging isa sa itinalagang mga lungsod ang Kobe noong 1956.

Isa ang Kobe sa mga lungsod na binuksan para sa kalakan sa Kanluranin kasunod ng pagwawakas ng patakaran ng pagbubukod noong 1853 at napanatili nito ang makasaysayang katangian kalakip ng mayamang pamanang pang-arkitektura na buhat pa noong panahong Meiji. Bagamat nabawasan ang katanyagan ng pagiging pantalang lungsod bunsod ng dakilang lindol ng Hanshin noong 1995, nanatili ang Kobe bilang pang-apat na pinaka-abalang daungang pang-container.[6] Kabilang sa mga kompanyang nakahimpil sa Kobe ang ASICS, Kawasaki Heavy Industries, at Kobe Steel, habang may mga himpilang Asyano o Hapones sa lungsod higit sa 100 pandaigdigang mga kompanya, kabilang ang Eli Lilly and Company, Procter & Gamble, Boehringer Ingelheim, at Nestlé.[7][8] Nagmumula ang baka ng Kobe sa lungsod, na katukayo nito. Tahanan din ang Kobe ng Unibersidad ng Kobe, at kinaroroonan ito ng Arima Onsen na isa sa pinakatanyag na mga resort ng mainit na bukal sa Hapon.

Remove ads

Heograpiya

Thumb
Kobe na tanaw mula sa eroplano

Mahaba at makitid ang lungsod, na matatagpuan sa pagitan ng baybayin at ng mga bundok. Nasa silangan nito ang lungsod ng Ashiya, habang nasa kanluran naman ang lungsod ng Akashi. Kabilang sa iba pang mga karatig-lungsod ang Takarazuka at Nishinomiya sa silangan at Sanda at Miki sa hilaga.

Isang palatandaang-pook sa lugar ng pantalan ng lungsod ang kulay pula na Tore ng Pantalan. Di-kalayuan ang Kobe Harborland, isang kilalang pasyalan sa mga turista na may isang ruweda.[kailangan ng sanggunian] Itinayo ang Pulo ng Puwerto at Pulo ng Rokkō, dalawang artipisyal na mga pulo, upang magkaroon ng puwang para sa pagpapalawak ng lungsod.

Matatagpuan naman sa gitna ng Kobe, malayo-layo sa baybayin, ang mga distrito ng Motomachi at Sannomiya, gayon din ang Baryo Tsino ng Kobe sa purok ng Nankin-machi; lahat ay pawang mga kilalang lugar ng tingian. Dumaraan sa lungsod ang maraming mga linya ng tren mula silangan pakanluran. Pangunahing pusod ng transportasyon ang Estasyon ng Sannomiya, habang nasa kanluran naman ang katukayong Estasyon ng Kobe at nasa silangan naman ang Estasyon ng Shin-Kobe ng Shinkansen.

Nakatanaw sa lungsod ang Bundok Rokkō na may taas na 931 m (3,054 ft). Kilala ito sa mayamang pagbabago ng kulay ng kagubatan nito sa panahon ng taglagas.

Thumb
Isang panorama ng Kobe, daungan nito, at Pulo ng Puwerto mula sa Tore ng Pantalan ng Kobe

Mga ward

May siyam na mga ward (ku) ang Kobe:

  1. Nishi-ku: Nasa pinakakanlurang bahagi ng Kobe at nakatanaw sa lungsod ng Akashi. Matatagpuan dito ang Unibersidad ng Kobe Gakuin. May pinakamalaking populasyon ang ward na ito, na may 247,000 katao.[9]
  2. Kita-ku: Ang Kita-ku ay ang pinakamalaking ward batay sa lawak at dito matatagpuan ang Bulubundukin ng Rokkō, kasama ang Bundok Rokkō at Bundok Maya. Kilala ang lugar sa bako-bakong lupa at mga daanan para sa paglalakad (hiking trails). Nasa ward na ito ang liwaliwang bakasyunan ng onsen na Arima.
  3. Tarumi-ku: Pangunahing isang pantirahan na lugar ang Tarumi-ku. Nag-uugnay ang Tulay ng Akashi Kaikyō mula Maiko sa Tarumi-ku papuntang Pulo ng Awaji sa timog. Bagong teritoryo ng Kobe ang Tarumi-ku, na naging bahagi ng lungsod noong 1946.
  4. Suma-ku: Ang Suma-ku ay kinaroroonan ng dalampasigan ng Suma na dinarayo ng mga turista tuwing mga buwan ng tag-init.
  5. Nagata-ku: Kinaroroonan ng Dambana ng Nagata, isa sa tatlong "Dakilang mga Dambana" ng Kobe, ang Nagata-ku.
  6. Hyōgo-ku: Minsang tinawag noong Daungan ng Ōwada o Pantalan ng Hyōgo, ang ward na ito ay ang makasaysayang sentro ng lungsod. Nasa Hyogo-ku ang distrito ng Shinkaichi, dating sentrong pangkalakalan ng Kobe ngunit napinsala noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig kaya nawala ang dating katanyagan ng ward.
  7. Chūō-ku: Ang Chūō (中央) ay literal na nangngangahulugang "gitna", kaya ang Chūō-ku ay ang sentrong pangkalakalan at libangan ng Kobe. Mga pangunahing pook libangan ang mga distrito ng Sannomiya, Motomachi, at Kobe Harborland. Nasa Chūō-ku ang gusaling panlungsod at ang mga tanggapan ng pamahalaan ng Prepektura ng Hyōgo. Nasa katimugang bahagi ng ward ang Pulo ng Puwerto at ang Paliparan ng Kobe.
  8. Nada-ku: Kinaroroonan ito ng Oji Zoo at Unibersidad ng Kobe. Kilala ang Nada-ku sa kanilang sake. Bumubuo ito ng 45% ng paggawa ng sake sa Hapon, katuwang ang Fushimi-ku sa Kyoto.[10]
  9. Higashinada-ku: Nasa pinakasilangang bahagi ng Kobe at hinahangganan nito ang lungsod ng Ashiya. Nasa katimugang bahagi ng ward na ito ang artipisyal na pulo ng Rokkō.
Karagdagang impormasyon Mga ward ng Kobe, Pangalan ...

Klima

Karagdagang impormasyon Datos ng klima para sa Kobe (1991−2020 karaniwan, mga sukdulan 1896−kasalukuyan), Buwan ...
Karagdagang impormasyon Datos ng klima para sa Paliparan ng Kobe (2006−2020 karaniwan, mga sukdulan 2006−kasalukuyan), Buwan ...
Remove ads

Demograpiya

Karagdagang impormasyon Kabansaan, Populasyon (2018) ...
Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...

Magmula noong Setyembre 2007, may tinatayang populasyon na 1,530,295 katao ang Kobe sa 658,876 mga kabahayan. Pagtaas ito ng 1,347 katao o humigit-kumulang 0.1% mula sa nakaraang taon. Ang kapal ng populasyon ay humigit-kumulang 2,768 katao sa bawat kilometro kuwadrado, habang may humigit-kumulang 90.2 kalalakihan sa bawat 100 kababaihan.[15] Humigit-kumulang labintatlong bahagdan ng populasyon ay nasa pagitan ng 0 at 14 na taong gulang, animnapu't pitong bahagdan ay sa pagitan ng 15 at 64 na taong gulang, at dalawampung bahagdan ay higit sa 65 taong gulang.[16]

Humigit-kumulang 44,000 mga banyagang nakatala ay naninirahan sa Kobe. Ang apat na pinakakaraniwang mga kabansaan ay mga Koreano (22,237), Tsino (12,516), Vietnamese (1,301), at Amerikano (1,280).[16]

Remove ads

Mga ugnayang pandaigdig

Kinakapatid na mga lungsod

Narito ang kinakapatid na mga lungsod ng Kobe:[17]

Kinakaibigan at nagtutulungang mga lungsod

Nakikipagtulungan din ang Kobe sa:[17]

Tinapos noong 2019 ang memorandum ng pag-unawa sa maaaring pagtatatag ng kinakapatid na ugnayan ng Kobe sa lungsod ng Ahmedabad, Gujarat, India.[19]

Kinakapatid na mga pantalan

Narito ang kinakapatid na mga pantalan ng Pantalan ng Kobe:[17]

  • Netherlands Pantalan ng Rotterdam, Olanda (1967)
  • Estados Unidos Pantalan ng Seattle, Estados Unidos (1967)
  • Republikang Bayan ng Tsina Pantalan ng Tianjin, Tsina

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads