Kuala Lumpur

From Wikipedia, the free encyclopedia

Kuala Lumpurmap
Remove ads

Ang Kuala Lumpur (/ˈkwɑːləˈlʊmpʊər/ o /-pər/; bigkas Malaysian: [ˈkwalə ˈlumpʊr]; pinakamalapit na bigkas /kwá•lä lúm•pur/) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod sa bansang Malaysia. Ang Kuala Lumpur ay isa sa tatlong Teritoryong Pederal ng Malaysia. Ito ay isang enclave sa loob ng estado ng Selangor, sa gitnang kanlurang pampang ng Tangwayang Malaysia. Masigasig na itinatawag ang lungsod na KL ng mga taga-Malaysia. Ang mga naninirahan sa lungsod ay karaniwang tinatawagang mga KLites o Kuala Lumpurians. Ang lungsod ay ang lugar kung saan nakapuwesto ang pinakamataas na magkakambal na gusali sa buong mundo, ang makalarawang Toreng Petronas.

Agarang impormasyon Kuala Lumpurكوالا لومڤور 吉隆坡, Country ...

Luklukan ng Parlamento ng Malaysia ang Kuala Lumpur, kaya ito ay ang kabiserang pambatasan ng Malaysia. Dati rin nakapuwesto ang tagapagpaganap at pang-hukumang sangay ng pamahalaang pederal, ngunit higit na inilipat na ito sa Putrajaya. Ilang mga pangkat ng pang-hukumang sangay ay nananatili pa rin sa kabisera.

Remove ads

Mga punung-lungsod ng Kuala Lumpur

Nang maging Teritoryong Pederal ang Kuala Lumpur ng Malaysia noong Pebrero 1, 1974, ang lungsod ay pinamunuan ng walong alkalde. Sila ay sina:

  1. Tan Sri Dato' Lokman Yusof (1972)
  2. Tan Sri Yaakob Latiff (1973 - 1983)
  3. Tan Sri Dato' Elyas Omar (1983 - 1992)
  4. Dato' Dr. Mazlan Ahmad (1992 - 1995)
  5. Tan Sri Dato’ Kamaruzzaman Shariff (1995 - 2001)
  6. Datuk Mohmad Shaid Mohd Taufek (2001 - 2004)
  7. Datuk Ruslin Hasan (2004 - 2006)
  8. Datuk Abdul Hakim Borhan (2006 - kasalukuyan)[2]
Remove ads

Mga sanggunian

Kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads