Labanan sa Maynila (1574)

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Labanan sa Maynila noong 1574 (Ingles: Battle of Manila of 1574 ; Espanyol: Batalla de Manila en el 1574) ay isang labanan sa dagat at dalampasigan ng Maynila na pangunahin ay ang kina-popookan ng kasalukuyang Parañaque, sa pagitan ng mga pirata ng Tsino at Hapon, na pinamumunuan ng mandirigmang si Limahong, at ang mga kolonyal na sandataan ng mga Kastila kasama ang kanilang mga sundalong Mehikano at mga katutubong kaalyado.

Agarang impormasyon Pagkubkob sa Maynila, Petsa ...
Remove ads

Kadahilanan

Kakalisan lang ni Limahong sa karagatan tungong hilaga mula sa kanyang pagkatalo laban sa armada ng Imperyong Tsina sa isang labanan sa Guangdong. Ang pakay niya ay maghanap ng malilipatan ng kanyang punong-tanggapan sa mga pulo ng Pilipinas, kung saan siya ay magkakamit ng makabuluhang mga tagumpay nang kaunting kahirapan lamang. Ang kanyang lupon ay buo ng 2000 na mandirigma, 2000 na mandaragat, at 1500 na mananakop, kabilang ang kanilang mga kaanak, mga babaeng nabihag sa mga lupaing Tsina at Hapon, mga magsasaka, karpintero, manggagawa, manggagamot, at lahat ng mga kalakal na kailangan upang makapagtatag ng isang malawak na paninirahan.[2]

Matapos nilang makabihag sa karagatan ng isang barkong ang lulan ay mga mangangalakal na Kastila, kanyang natutunan na may kuta pala ang Maynila na may humigit-kumulang nang 200 sundalong Espanyol lamang — na kalahati sa kanila ay mga mula Mehiko na mga Criollo, at mga Indio — kaya kanyang binatid na madaling niyang masakop ang lungsod sa isang biglang paglusob. Noong Nobyembre ng 1574, sa patnubay ng mga bilanggo niyang mga Kastila, dumating si Limahong sa Luzon na may lakas ng humigit-kumulang sa 60 na mga barko.[3]

Umpisa ng labanan

Naganap ang labanan noong Nobyembre 29, 1574,[4] nang dumaong ang armada ni Limahong sa bayan ng Parañaque at mula roon, nagsimulang salakayin niya ang kuta ng Intramuros. Isang Hapon na kanang kamay ni Limahong, na nagngangalang "Shoko" (kalaunan ay tinawag na Sioco sa wikang Espanyol), ay malaki ang naitulong sa kanyang amo.[5] Ayon sa mga ulat, si Sioko ay kakampi ng mga piratang Hapon na dumagdag sa kapangyarihan ng sandataan ni Limahong.[6] Inilalarawan din ng mga mapagkukunang Espanyol ang mga maraming mananalakay ay may hawak ng catanes, isang katiwalian ng salitang Hapon ukol sa sandatang katana, kasama ang mga tradisyonal na mga kasangkapang pandigma ng Tsino.[7]

Sa una, ang mga naninirahan sa Maynila ay hindi handa, at sila ay nalusutan ang mga pwersa ni Limahong. Higit pa rito, pinatay ng mga Intsik ang punong-tagapamahala ng kuta ng mga Kastila, si Martin de Goiti. [8] Subalit dito, ang sandataan ni Limahong ay ginantihan ng dalubhasang mga eskrimador na pinamunuan ni Juan de Salcedo at nabigo ang kanilang pangukubkob.

Mga kasunod

Nang matalo sa Maynila, umatras si Limahong at tinalikuran ang kanyang tangka na salakayin ang Maynila at sa halip ay nanirahan sa Pangasinan at nagtayo ng kuta doon. Ang ilan sa mga Intsik ay nakipag-asawa sa mga babaeng Igorot at Itneg, na sanhi nang mayroong mga mapuputing balat na taga-doon.[9]

Makalipas ang isang taon, muling tinalo si Limahong ng pwersang Kastila sa pamumuno ni Salcedo at siya ay dinakip. Ito ay humantong sa paglakbay sa Pilipinas ng Birey ng Fukien sa layunin ng pagpapalaya ng mga piratang Intsik na nabihag na mga Kastila, kung saan humantong sa diplomatikong pag-uusap at kaugnayan ng Tsina at mga Espanyol na Pilipinas.

Paglaho ni Limahong

Sa kanyang bahagi, si Limahong ay panibagong naka-alpas muli, ngunit siya ay natalo sa Palau ng hukbong-dagat ng Tsina, na pinamumunuan ni Wang Wanggao, ang Birey ng Fukien . Sa isa pang malihis na pagtakas niya sa isang barko, si Limahong ay nakapag-alok ng kanyang mga kaalaman at paglilingkod sa mga kaharian ng Siam at India at pagkalipas niyan, siya ay naglaho nang lubusan sa mga naka-ulat na kasaysayan.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads