Lalawigan ng Osmaniye

From Wikipedia, the free encyclopedia

Lalawigan ng Osmaniyemap
Remove ads

Ang Lalawigan ng Osmaniye (Turko: Osmaniye ili) ay isang lalawigan sa Turkiya na matatagpuan sa timog ng bansa. Naging lalawigan ito sa pangalang Cebel-i Bereket (nangangahulugang "Matabang Bundok") noong unang bahagi ng republika hanggang 1933, nang napasama ito sa Lalawigan ng Adana. Naging lalawigan uli ito noong 1996. May sukat ito na 3,767 km2 at may populasyon na 479,221 (taya noong 2010). Nasa may Çukurova ang lalawigan, na isang rehiyong pangheograpiya, pang-ekonomiya at pangkalinangan.

Agarang impormasyon Lalawigan ng Osmaniye Osmaniye ili, Bansa ...

Ang lungsod ng Osmaniye ang kabisera ng lalawigan.

Remove ads

Mga distrito

Thumb
Mga distrito ng Osmaniye

Nahahati ang Osmaniye sa 7 distrito (nasa makapal ang distritong kabisera):

  • Bahçe
  • Düziçi
  • Hasanbeyli
  • Kadirli
  • Osmaniye
  • Sumbas
  • Toprakkale

Mga makasaysayang lugar at guho

  • Karatepe - Aslantaş (Domuztepe-Pınarözü) - Kadirli/Düziçi
  • Noong 2018, natuklasan ang mga sinaunang mosaik. Pinapakita ang isang labanos sa isang mosaik. Mayroon din imahen ng tao na may hawak na ubas at ang ibon na partridge. Karagdagan pa nito, mayroon itong tekstong Griyego. Pinaninawalaan na nagmula ito noong unang siglo.[2]

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads