Pangasinan

lalawigan ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Pangasinan
Remove ads

Ang Pangasinan ay isang lalawigan ng Pilipinas sa rehiyon ng Ilocos. Matatagpuan ang lalawigan sa kanlurang bahagi ng pulo ng Luzon sa may Golpo ng Lingayen at Timog Dagat Tsina. Ito ay may kabuuang sukat na 5,451.01 metro kkilouwadrado (2,104.65 sq mi).[3] Ayon sa senso noong 2015, ang populasyon ay nasa 2,956,726 .[4]

Para sa wika, tingnan ang Wikang Pangasinan.
Agarang impormasyon Bansa, Rehiyon ...

Pangasinan ang pangalan ng lalawigan, ng mga mamamayan, at ang pangunahing wikang sinasalita sa lalawigan. Tinatayang nasa 1.5 milyong ang mga katutubong Pangasinan. Isa ang wikang Pangasinan sa mga opisyal na kinikilalang wikang rehiyunal sa Pilipinas. Sinasalita ang Pangasinan bilang ikalawang wika ng mga etnikong minorya sa Pangasinan. Ang pinakakilalang pangkat etnikong minorya sa Pangasinan ay ang mga Iloko, Bolinao at mga Tagalog.

Remove ads

Heograpiya

Thumb
Mapang pampolitika ng Pangasinan

Pampulitika

Ang lalawigan ng Pangasinan ay nagbubuo ng 44 bayan, 4 na lungsod, at 1,364 na mga barangay. May anim na distritong pangkinatawan ang lalawigan ng Pangasinan.

Mga Lungsod

Mga Bayan

Pisikal

Matatagpuan ang lalawigan ng Pangasinan sa kanlurang gitnang bahagi ng pulo ng Luzon sa Pilipinas. Naghahanggan ang Pangasinan sa mga lalawigan ng La Union at Benguet sa hilaga, sa Nueva Vizcaya at Nueva Ecija sa silanga, at sa Zambales at Tarlac sa timog. Matatagpuan sa kanluran ng lalawigan ang Dagat Timog Tsina.

May kabuuang sukat ang Pangasinan na 5,451.01 metro kkilouwadrado (2,104.65 sq mi).[3] Ang lalawigan ay nasa 170 kilometro (105.633 mi) hilaga ng Maynila, 50 kilometro (31.0685 mi.) timog ng Lungsod ng Baguio, 115 kilometro (71.4576 mi.) hilaga ng Pandaigdigang Paliparan at Daungan ng Subic, at 80 kilometro (49.7096 mi.) hilaga ng Paliparang Pandaigdig ng Clark.

Remove ads

Demograpiya

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...

Populasyon

Ang mga mamamayan ng Pangasinan (Totoon Pangasinan) ay tinatawag na Pangasinan o sa Kinastilang Pangasinense, o sa payak na taga-Pangasinan. Ikatlong pinakamataong lalawigan ang Pangasinan sa Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, 47 bahagdan ng populasyon ay mga Totoon Pangasinan at 44 na bahagdan ay mga Iloko.

Thumb
Asinan sa Dasol.
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads