Paliparang Pandaigdig ng Clark
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Paliparang Pandaigdig ng Clark[a] (IATA: CRK, ICAO: RPLC), dating tinawag bilang Paliparang Pandaigdig ng Diosdado Macapagal[b] mula 2003 hanggang 2014, ay isang paliparang pandaigdig na matatagpuan sa Clark Freeport Zone na napalilibutan ng mga lungsod ng Angeles at Mabalacat sa lalawigan ng Pampanga, Pilipinas. 80 kilometro (50 mi)[6] ito pahilagang-kanluran ng Maynila. Mapupuntahan ito sa pamamagitan ng Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX).
Pinagsisilbihan ng paliparan ang Gitnang Luzon, Hilagang Luzon, at, kung tutuusin, ang Kalakhang Maynila sa mga lipad sa loob at labas ng bansa. Hango ang pangalan sa dating Baseng Panghimpapawid ng Clark ng mga Amerikano na naging pinakamalaking base ng Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos sa ibang bansa hanggang sa isinara ito at ipinasa sa Pamahalaan ng Pilipinas noong 1991.
Pinangangasiwaan at pinapatakbo ang paliparan ng Luzon International Premier Airport Development (LIPAD) Corp., isang konsorsiyo ng JG Summit Holdings, Filinvest Development Corporation, Philippine Airport Ground Support Solutions (PAGSS) Inc., at Changi Airports Philippines Pte. Ltd.[1][2] Ginagamit ang timog na bahagi ng pasilidad ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas at Baseng Panghimpapawid ng Clark.[7]
Nanomina ang paliparan bilang pinalista ng kategoryang Paliparan ng gawad Prix Versailles 2021[8] ngunit natalo sa Paliparang LaGuardia Terminal B bilang ang pinakamahusay na bagong paliparan noong 2021.[9] Pero kinilala ito bilang isang laureado ng 2023 talaan ng Prix Versailles ng Pinakamagandang Paliparan ng Mundo.[10]
Remove ads
Mga eroplano at mga destinasyon
Pampasahero
![]() | Kailangang isapanahon (i-update) ang artikulong ito. |
Panlulan
Remove ads
Talababa
- Kapampangan: Pangyatung Sulapawan ning Clark, Ingles: Clark International Airport
- Kapampangan: Pangyatung Sulapawan ning Diosdado Macapagal, Ingles: Diosdado Macapagal International Airport
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads