Ilocos
rehiyon ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Rehiyon ng Ilocos,[a] kilala rin sa pagtatakda nito na Rehiyon I, ay isang rehiyong administratibo ng Pilipinas na makikita sa hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon. May apat na lalawigan ito: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan, at isang malayang lungsod: Dagupan. Pinapaligiran ito ng mga rehiyon ng Lambak ng Cagayan at Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera sa silangan at Gitnang Luzon sa timog. Nasa kanluran naman nito ang Dagat Kanlurang Pilipinas. Ang sentrong panrehiyon nito ay ang San Fernando sa La Union. Ilan sa mga lungsod na nandito ang mga lungsod ng Vigan sa Ilocos Sur at Laoag sa Ilocos Norte, gayundin ang Alaminos at San Carlos sa Pangasinan.
Ayon sa senso noong 2020, higit limang milyong katao ang nakatira sa rehiyon, at may densidad na 410 katao kada kilometro kuwadrado. Wikang Ilokano at wikang Pangasinense ang mga madalas gamiting wika sa rehiyon, ayon sa senso noong 2000.
Remove ads
Heograpiya

Ang Rehiyong Ilocos ay matatagpuan sa isang makipot na katapatagan sa pagitan ng Kabundukan ng Cordillera, Dagat Timog Tsina, hilagang bahagi ng kapatagan ng Gitnang Luzon, at hilagang silangang bahagi ng Bulubundukin ng Zambales.
Matatagpuan dito ang Golpo ng Lingayen, ang pinakatanyag na anyong tubig sa rehiyon na naglalaman ng Hundred Islands National Park. Matatagpuan naman sa hilaga ang Kipot ng Luzon.
Ang Ilog ng Agno ay bumabagtas mula Benguet hanggang Pangasinan, na umaagos sa isang malapad na delta sa Lingayen at Dagupan bago umagos sa Golpo ng Lingayen.
Paghahating pampangasiwaan

Ang Rehiyong Ilocos ay binubuo ng 4 mga lalawigan, 1 malayang nakapaloob na lungsod, 8 nakapaloob na mga lungsod, 116 bayan, at 3,265 mga barangay.[3]
- † Sentrong panrehiyon
Remove ads
Demograpiko
Tahanan sa mga Ilokano ang mga makasaysayang lalawigan ng Ilocos. Ayon sa sensus noong taong 2000, ang rehiyon ay binubuo ng 66% ng mga Ilokano, 27% ng mga Pangasinense, at 3% ng mga Tagalog.[7]
Tahanan naman para sa mga Pangasinense ang lalawigan ng Pangasinan. Ang populasyon ng Pangasinan ay bumubuo sa humigit kumulang 60% ng buong populasyon ng rehiyon. Nagsimula ang mga Ilocano na dayuhin ang Pangasinan noong ikalabing-siyam na siglo.[8] Ang Pangasinan ay dating parte ng Gitnang Luzon ngunit inilipat ito sa Ilocos noong nilagdaan ng Pangulong Marcos ang Kautusan ng Pangulo Blg. 1 noong 1972. Kasama din ang mga komunidad ng mga Tingguian at Isneg sa rehiyon na nakatira sa may paanan ng mga bundok ng Cordillera.
Karamihan sa mga mamamayan ay Katoliko ngunit may mga Protestante din katulad ng mga Apligayan sa bandang hilaga ng rehiyon. Ang iba ay mga miyembro ng Iglesia ni Cristo, Mormon at iba pa.
Mayroon ding mga nakakubling paniniwalang animistiko lalo na sa mga pook na rural. Pangunahing mga Budista, Taoista at Hindu ang mga Tsino at Indiyano na namamalagi sa maliit na mga pamayanang pangkalakalan sa rehiyon.[kailangan ng sanggunian]
Remove ads
Talababa
- Ingles: Ilocos Region; Ilokano: Rehion/Deppaar ti Ilocos; Pangasinan: Sagor na Baybay na Luzon
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads