Lansangang-bayang Aspiras–Palispis
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Lansangang-bayang ng Aspiras-Palispis (Ingles: Aspiras-Palispis Highway; dating kilala bilang Lansangang-bayang Marcos at kilala rin bilang Daang Agoo-Baguio) ay isang pangunahing lansangan sa Pilipinas na nasa hilagang Luzon na may habang nanggagaling mula sa lungsod ng Baguio hanggang sa munisipalidad ng Agoo sa lalawigan ng La Union.
Ang lansangang-bayang ito na may haba ng 47.17 kilometro[1] ay tumatawid sa Tuba na bayan ng Benguet, at sa Pugo, Tubao, at Agoo ng mga bayan ng La Union.
Isa ito sa tatlong pangunahing daanan na ginagamit ng mga motorista at manlalakbay upang makaabot sa Baguio mula sa mga kapatagan.[2] Ang maraming ulit na rehabilitasyon at maiging pagpapabuti[3] ng lansangang iyon ang nagdala upang maisa-kategoriyo iyon bilang isang lansangang maaari sa lahat ng kapanahunan (all-weather road),[4] at iyon ang higit na pinipiling lansangan ng mga motorista sa halip na ang Daang Kennon.[5]
Ang buong lansangan ay itinakda bilang lansangang N208 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas na itinakda ng DPWH.
Remove ads
Kasaysayan
Ang noong pangalang Lansangang-bayang Marcos ay pinangalanang Lansangang-bayang Aspiras-Palispis noong ika-31 ng Oktubre 2000 sa pagkakalabas ng Batas Republika 8971.[6] Ang bahagi ng lansangang sumasakop sa Baguio at lalawigan ng Benguet ay itinalagang Lansangang-bayang Ben Palispis na nagmula sa pangalan ng dating gobernador ng Benguet na si Ben Palispis. Ang bahagi naman ng Lansangang-bayang Marcos sa La Union ay ang pinangalanang Lansangang-bayang Jose D. Aspiras na nagmula sa pangalan ng dating politikong si Jose D. Aspiras.[5][6] Ganoon pa man, ang dating pangalang ang higit na kilala pa rin ng madla at pinipili pa rin ng karamihan.[7]
Ang Tulay ng Palina na nasa pagitan ng Benguet at La Union ang nagsisilbing hangganan (boundary) sa pagitan ng dalawang lansangan.[8]
Remove ads
Mga bagtasan
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads