Layko
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Sa mga organisasyong panrelihiyon, ang layko (Ingles: laity, bigkas: /ˈleɪəti/ na indibiduwal na tinatawag din sa Ingles na layperson, layman, o laywoman) ay tumutukoy sa lahat ng kasapi na hindi kabilang sa kaparian, karaniwang kasama ang mga hindi-ordinadong kasapi ng mga orden panrelihiyoso, gaya ng isang madre o kapatid na layko (lay brother).[1][2]

Sa sekular na paggamit, pinalawig ang kahulugan ng layko upang tukuyin ang isang tao na walang pormal na kuwalipikasyon sa isang propesyon o hindi eksperto sa isang partikular na larangan.[3] Ang pariralang Ingles na "layman's terms" (katawagang layko) ay tumutukoy sa payak at malinaw na wika na madaling maunawaan ng karaniwang tao, taliwas sa teknikal na salitang pang-espesyalista na nauunawaan lamang ng mga propesyonal.[4][5]
Noong nakaraan, ang mga katawagang tulad ng lay priest (laykong pari), lay clergy (laykong klero), at lay nun (laykong madre) ay ginamit sa ilang kulturang Budista, lalo na sa Hapon, upang tukuyin ang mga ordinadong tao na nanatiling namumuhay sa mas malawak na pamayanan sa halip na pumasok sa isang monasteryo. Sa ilang simbahang Kristiyano, mayroong mangangaral na lakyo, na nangangaral subalit hindi kabilang sa kaparian. Sa Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ginagamit ang katawagang lay priesthood (kapariang layko) upang bigyang-diin na ang mga lokal na pinuno ng kongregasyon ay hindi binabayaran.[6]
Remove ads
Etimolohiya
Ang salitang layko ay nangangahulugang "mga karaniwang tao" at nagmula sa Griyego na λαϊκός (laikos), na ibig sabihin ay “ng bayan,” mula sa λαός (laos), na nangangahulugang “bayan” o “mga tao” sa pangkalahatan.[7][8] Ang salitang Ingles na lay (bahagi ng layperson, atbp.) ay nagmula sa salitang Griyego sa pamamagitan ng Anglo-Pranses na lai, mula sa Huling Latin laicus.[2]
Kristiyanong layko
Sa maraming denominasyong Kristiyano, kabilang ang Simbahang Katolika at Anglikano, ang sinumang hindi naordinahan bilang diyakono, pari (matatandang namumuno), o obispo ay tinutukoy bilang layko.[9]
Ang Ikalawang Konseho ng Vaticano (1962–1965) ay naglaan ng isang dekreto tungkol sa apostolado ng mga layko, ang Apostolicam actuositatem,[9] at ng Kabanata IV ng dogmatikong konstitusyon nitong Lumen gentium para sa mga layko, sa isang kahulugang mas makitid kaysa sa karaniwang gamit nito sa Simbahang Katolika.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads
